Bakit ganito?
"ANG ingay nyo naman! Paano ako matutulog nyan." Sigaw ni Rm sa amin nila Xander
Today is April 10. 3 days from now debut ko na! Papunta kami ngayon sa Nueva Ecija. Dito ko naisip icelebrate ang debut ko kasama sila. Si rm, si Roselle at ang mga kabanda ni Xander.
3rd year college na kami. Ilang bwan pa ay gagraduate na kami. Sobrang saya ko ng ipinagpaalam ko sila Rm at Roselle sa parents nila ay pinayagan nila ako. Medyo nagdrama lang naman ako sa kanila ng kaunti. Inimbitahan ko rin sila pero busy daw sila masyado. Isang linggo din kasi kaming mag stay dito.
Hinarap ko si Rm. nakaupo ako sa frontseat ng sasakyan ni Xander katabi sya. Sa backseat naman sila Rm at Roselle. "Talagang nag iingay kami para hindi ka makatulog. Tatlong oras na nga lang ang byahe natin tapos tutulugan mo pa kami?" Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya at inagaw ko ang blindfold nya na kakaalis lang nya sa mata nya.
"Hindi din gaanong masama yung ugali nyo eh ano?" Nakipag agawan din sya ng blind fold.
"Para naman kasing lagi kang puyat at maski sa byahe natin ay matutulog ka." Hinatak ko ulit.
"Baka puyat kasi ako? Ang aga aga nyo ko ginising, dapat kasi nagpahapon na lang tayo ng byahe.”
"Delikado nga pag nagpagabi tayo. Kahit hindi sobrang liblib yung lugar namin, malalayo ang gasolinahan sa dadaanan. Paano kung masiraan tayo? KAya mong lumakad ng malayo at humanap ng mahihingan ng tulong sa madilim na lugar?" Nananakot ang boses na sabi ko.
Tumatawa lang sila Xander at Roselle sa ginagagawa naming dalawa.
"Oo na! Hindi na matutulog. Ang dami mo ng sinabi." Pagsuko nya sakin. At binitawan ang blindfold. Nakalimutan nya ata na hawak ko pa kaya ayun. Tumama sa mukha ko yung garter ng blindfold.
"Aray!" Daing ko.
"Uy sorry! Ikaw naman kasi, kung makahila, wagas!" Guilting sabi ni Rm.
"Wow ha, ako na nasaktan, ako pa nasisi.” Ko yung right cheek ko. dama ko talaga ang hapdi.
Ilang saglit lang hininto ni Xander ang sasakyan sa isang tabi.
"Rm, paabot nga ng bottled water sa likod ng upuan mo. Malamig pa yun." Seryosong sabi nya. Napalingon ako sa kanya sandali.
"Ito oh." Inabot ni Rm, kinuha naman ni Xander. Tapos hinarap nya ako at hinawakan nyung kamay ko at akmang aalisin yun sa mukha ko.
"Alisin mo nga yung kamay mo at patingin ako ng mukha mo."
Inalis ko yung kamay ko sa mukha ko at hinarap sya. "Ano bang gagawain mo? Bubuhusan mo ng tubig yung mukha ko?”
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...