No clue
Nagising ako sa tunog ng pag strum ng gitara. Dumilat ako at nakita ko si Xander na nakaupo sa tabi ng bintana habang yakap ang gitara na regalo ko. Nags i-strum sya pero hindi sya kumakanta. He looked so fresh. Mukhang kakaligo nya lang.
Since naka side view sya, nagkaroon ako ng chance na titigan sya. Nakaharap sya sa bintana at nakatanaw sa labas. Umuulan pala.
I looked at his hair, down to his eyes. Kitang kita ko yung mahahabang pilik mata nya. His nose.. his pointed nose.. And I looked down at his smiling lips. Ngayon ko na-appreciate ang kagwapuhan nya na naging dahilan ng pag-iyak ng mga babae. Bakit ba ngayon ko lang to napansin? Saan ba ako nakatingin dati? Napangiti ako ng makita ang masayang mukha nya.
Hindi naman sya ang lagi kong nabubungaran pag gising ko, but I like what I’m feeling right now. Yung sya agad ang bubungad sakin pagmulat ng mga mata ko, what a wonderful sight. Nakangiti pa rin ako ng bigla syang lumingon sakin.
Mas lalong lumawak ang ngiti nya. “Goodmorning.”
Hindi ko alam kung bakit nung lumingon sya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What’s this? Hindi ako familiar sa nararamdaman ko ngayon. Epekto siguro ito ng lagnat ko kagabi.
Ngumiti din ako. “Happy birthday!”
Tumayo sya at maingat na ibinaba ang gitara sa upuan at lumapit sya sa akin. “Binati mo na ako.”
Ngumiti ako. “Edi goodmorning!”
Ngumiti sya, umupo sa kama ko at hinalikan ako sa noo. Pumikit ako nung ginawa nya yun. What’s happening to me? Bakit parang ngayon ko ninanamnam ang mga gestures nya?
Dumilat ako ng maramdaman ko yung kamay nya sa noo ko. “Thank God, wala ka ng lagnat.”
Umupo ako. “Umuwi ka ba?”
“No. I slept here.”
“Saan ka natulog? Sa sofa?”
Tumango lang sya at tumayo na. Sa sofa? Sa maliit kong sofa? Nakatulog ba sya ng maayos? Pero hindi ko na natanong kasi umalis na sya. Sumunod ako sa kanya. Sa kusina pala sya pupunta.
Nakatalikod sya sakin at may inaayos. Napangiti ako. He is really tall for a 20 year old guy. I think nasa 5’10 o 5’11 na sya. He is not mascular, lean lang ang pangangatawan nya. Pero halatang alaga sa gym.
Humarap sya sakin dala ang tray na may lamang pagkain. “Bakit ka sumunod. Dadalin ko na nga sa kwarto mo to eh.”
“Okay naman na ako. Saka wala ako sa mood mag breakfast in bed.”
Ipinatong nya yung tray sa lamesa. Ttinignan nya ako pababa. “Bakit nakapaa ka? The floor is freaking cold!”
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...