CHAPTER 34

78 1 0
                                    

We’re going to Japan

 

“Kuya!” Masayang sigaw ni Ebony kay Xander pagkarating namin sa Hotel na tinutuluyan nya.

Lumapit sya sa amin at niyakap si Xander. Pagkatapos ay nilapitan din nya ako at hinalikan sa pisngi.

“Hello Rona. It’s so nice to finally meet you!” Malawak ang ngiti nya sakin.

Ngumiti din ako, nang peke. She’s a great actress, huh? Made of plastic. Kala ko sa China lang may plastic. Meron din pala sa Japan.

Umupo kami ni Xander sa sofa, kaharap si Ebony.

“So, anong sorpresa ang sinasabi mo sakin?” tanong ni Xander.

Ngumiti sya. Wow. Palangiti pala sya? Sa harap nga lang ni Xander.

“Patience, kuya. Kumain muna tayo?”

May tinawagan sya at may mga nag-akyat ng pagkain sa hotel.

Masaya ang mga kinukwento ni Ebony habang kumakain. Tungkol sa pag-aaral nya sa Japan. Nag-aaral pala sya ng Fine Arts. Pagkatapos daw ay lilipat sya sa Paris.

Nagkekwento din sya na miss na miss na daw si Xander ng Mama nila. I mean, ng mama lang ni Ebony. And the last thing is that their father was sick. Hindi naman daw malala. Pero nagpaplano nang mag retire.

Tinignan ko si Xander. parang wala naman syang interes sa kung ano mang kinukwento ni Ebony. Patango tango lang sya. Madalas ay nakayuko pa.

“So, kuya. May hint na kami where your real father is.”

Napatingin ako kay Xander.

Napaangat ang ulo ni Xander. “Really?”

Ngumiti at tumango si Ebony. “Yes. Matagal na syang pinapahanap ni Papa.”

Tumango si Xander. Nakitaan ko ng excitement ang mga mata nya. Tapos tumingin sya sakin. oo nga pala, ang alam nya wala akong alam sa katauhan nya.

I smiled at him.

“You know?” He asked me about his story.

 

si Ebony ang sumagot. “I already told her, sa phone. Right Rona?” humarap sya sakin.

“O-oo.” Sagot ko naman.

Marahang tumango sakin si Xander at ngumiti.

“So, where is he?” He asked.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon