CHAPTER 49
Bago kami umakyat ay may isang kubo kung saan iiwan dapat ang ilang dala dala. Gaya ng mineral water at mga pagkain. Pinapanatili kasi nila ang kalinisan kaya naman pinapaiwan nila ang mga posibleng maging kalat. May iba daw kasi na pasaway at nagtatapon ng mga basura habang paakyat.
Una kaming dumaan sa sobrang liit ng kawayan bridge. At nagsimula na kaming maglakad. Sobrang ang ganda talaga sa lugar na to. Pagkatapos ng ilang sandaling paglalakad ay may dadaanan ulit kaming Kawayan bridge na medyo makitid. Kaya naman inalalayan kami ng mag lalaki. Syempre, kilala nyo naman na kung sino ang aalalay sakin diba?
Yap. Tama ka. Si Luigi. Hindi kasi ako lumalapit kay Xander since parang tuko din naman si Ebony kung makakapit kay Xander. Si Hari naman ang umaalalay kay Ms. Erine.
Pagkatapos tumawid sa bridge at malayo layong lakaran naman ang ginawa. Medyo mahirap umakyat dahil mababato ang aakyatan. Medyo madulas din dahil naaagusan ng tubig yung mga bato.
nung akala ko ay nandun na kami ay natuwa na ako dahil nakita ko na ang falls. Niyaya ko si Luigi na lumapit doon. Natawa naman sila. Hindi pa daw yun ang falls. Kalahati pa lang daw kami ng nalalakad.
Napabuntong hininga ako. kalahati pa lang? bakit pagod na ako? sabagay, hindi naman kasi ako sanay sa kanitong pag akyat-akyat.
Nagsimula na kaming maglakad pataas. Alam mo yung pakiramdan na para kang nasa loob ng nahating bundok? Dahil ppag lumingon ka sa kanan at kaliwa any makikita ko lang ay magubat na puno at halaman. Sa dainadaanan naman namin ay mabato at madulas dahil nga umaagos ang tubig.
Matapos ang lakaran na hindi ko alam kung gaano katagal ay narating na rin namin ang pinakadulo kung saan nandun ang Mother Falls. Talagang napanganga ako at nanlaki angg mga mata ko. ang ganda!!!! Walang halong biro. Worth it ang pagpapagod mo. at dahil nga first time ko lang naman nakakita, talaga naman na namangha ako. Nauna na nga akong umakyat at pumunta sa Falls. Grabe, sobtang linaw ng tubig. As in crystal clear. Kitang kita mo yung mga bato sa ilalim at sobrang lamig ng tubig. Anglakas din ng pagbaksak ng tubig mula sa Falls. Parang may yelo sa lamig. Waaaa! Nakakainosente naman dito. Hehe. Lumusong na ako sa tubig, since wala naman na yung mga gamit namin dahil iniwan namin sa kubo at lahat naman ng nagpupunta dito ay bumababa ng basa ang katawan.
Paglusong ko ay niyaya ko na silang lahat habang tuwang tuwa ako. walang punahan kung mukha man akong tanga na first time makakita ng falls, basta masaya ako. haha!
Sumunod silang lahat sa akin maliban kay Xander na nakangiti lang na nakatingin sa akin. Okay asuuming, baka naman sa amin sya nakatingin? Tumalikod na ako at humiiwalay kila Luigi. Kanya kanyang ligo na kami. ako naman ay nagpunta kung saan nagmumula ang tubig. Hindi ako gaanong marunong lumangoy pero kahit papaano ay may alam naman ako. lumubog ako sa tubig at lumangoy kunwari papunta sa malalim na part. Inangat ko ang ulo koo at medyo kinabahan ako dahil hindi ko na maabot ang ilalim. Ibig sabihin nasa sobrang lalim na part na nga ako at may problema ako. hindi ako marunong mapalutang. Kaya naman lumubog na lang ako ulit at sinubukang languyin ulit ang mababaw na part pero hindi ako nagtagumay. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagsigaw ng tulong pero bago ko pa nagawa yun ay may naramdaman na akong humawak sa bewang ko at iniangat ako sa tubig.
Sumalubong sakin ang basa at nag-aalalang mukha ni Xander. napakapit naman ako sa balikat nya. “Are you alright?”
BINABASA MO ANG
Take a Chance on Me
Romance"He loves her. She loves him. Everyone knows, except them." Xander is the Vocalist of a band named Blue Jeans , Playboy, Happy go Lucky, Rich, Famous, Bestfriend of Rona, and Secretly inlove with her. Rona is a typical girl, NBSB, may pangarap, not...