Umalis na ako sa nakaraan ng batang Alexis. And yes, I was the reason why everything happened. From meeting Lucian which I thought was a coincidence. Unti-unti ko lang din nalalaman ang lahat ngayon. I had no idea that I was also a big part of my own past.
Bago pa ako maubusan ng oras dahil sa kaka-emote ko, muli kong naalala ang nakasaad sa propesiya. Ang ikatlong saknong.
Balot ng kadiliman ngunit aninag ang liwanag,
Hindi napagpasyahan, hindi napagisipan.
Gagawing hakbang ay hindi ktikakapanatag.
Ala-ala'y pilit na babalikan.
At dahil feeling ko alam ko na ang nangyari, kailangan kong bumalik sa panahong iyon.
"Tempus, et revertere mecum."
-
Napahawak ako sa balakang ko nang muli na naman akong bumagsak sa kung saan. Kakainis naman! Minsan talaga dapat iniisip ko muna kung may foam akong mababagsakan o wala, e. Sakit ng buto ko dun, ah!
Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Prinsesa Alexis. Samantalang siya ay hayun, naka-pwesto sa may balkunahe nitong kuwarto kung saan daig pa ang 7 wonders of the world sa ganda ng overlooking view. Pero you know what amazes me? Iyon 'yung nangingibabaw sa ganda ang malaki at maliwanag na kabilugan ng buwan. Kahit gaano pa karami ang mga ilaw sa paligid ay wala pa ring tatalo sa liwanag na dulot ng buwan na nakapalibot sa kaharian ng Quensville.
Nilapitan ko s'ya at itinuon ang tingin ko sa paligid. "Ano'ng iniisip mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman na siya nagulat sa presensya ko, and it feels weird dahil I have this gut feeling na alam niyang darating ako, or should I say, alam niyang mangyayari ito at itatanong ko sa kanya ang exact same question na kakatanong ko lang.
And as usual, dineadma niya lang ako at nanatiling tahimik. Mula rito sa kinatatayuan namin ay tanaw na tanaw namin kung gaano ka-busy ang buong kaharian. Alam niyo iyong feeling na nanonood ka ng ancient movie kung saan naghahanda ang lahat para sa nalalapit na war? Ganoon na ganoon, dahil busyng-busy ang mga salamangkero't salamangkera ngayon para sa nalalapit na digmaan. Pero 'yung plot twist doon, instead na makita kong kinakabahan si prinsesa Alexis ay hindi. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang lahat.
Nababaliw na ba 'to? Bigla-bigla na lang ngumingiti. And it feels genuine... kaya pakiramdam ko nahahawa na ako. Muli kong pinagmasdan ang mga salamangkero't salamangkera, and a smile formed on my face.
"Nagagalak ako't unti-unti nang natutupad ang nakasaad sa propesiya," she said. Kasunod niyon at lumingon siya sa gawi ko. Confused, I just stared at her for a couple of second hanggang sa niyakap niya lang ako bigla. I was stunned, kaya nanatili akong tahimik hanggang sa unti-unting nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya.
"Anong ibig mong saibihin?" tanong ko,
Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin at ako naman, hindi pa rin makagalaw habang puzzled pa rin sa kung ano ang ibig niyang sabihin. "Malapit na tayo'ng mag tagumpay. Lahat ng paghihirap natin ay magwawakas na at ang lahat ng mga sakripisyo ay magkakaroon ng magandang bunga," paliwanag niya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Kasi parang gutom pa siya or something.
Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin pero nakahawak pa rin siya sa magkabilang balikat ko habang titig na titig. Okay, this is awkward. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Prinsesa Alexis," sabi pa niya sabay tulo ng luha mula sa mga mata niya..
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.