"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Reyna Freya. Tungkol sa propesiya"
"Mama hindi mo ba nafi-feel na fake 'yan?" Hindi 'yan si Queen Freya, ako 'yan! Myghad this ghorl ha!" I rolled my eyes at pinagmasdan ang fake na Queen Freya kung sasagot siya.
"Ano ang tungkol dito?" Wow! Makatotohanan naman pala 'tong gawa ni Prinsesa Alexis, nagsasalita. In fairness ang galing ko pala talaga noon.
"Kailangang ialay ang buhay ng tagapagmana ng ikaapat na henerasyon, ang aking anak na si Prinsesa Alexis Queinsville upang makamtam na'tin ang kapayapaan. Iyan ang nakasulat sa propesiya, kung kaya't handa ajong makipagkasundo sa'yo para nang sa gayon ay hindi ito matuloy..." tumigil siya saglit at saka nagpatuloy.
"...handa akong gawin ang lahat para sa aking anak." It's too painful to see her like this. My heart melted in a torrent of tears trickling down my face. All I could do is cry and watch her speak. "Mama..." I whispered.
"Alexis, anak|?" Nagpalinga-linga si mama pero kahit lumingon siya sa direksiyon ko ay mukhang hindi niya ako nakita.
Narinig ba niya ako?
"Mali ang nakasulat sa propesiya Reyna Azaria." Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nung marining ko ang sinabi ng fake Queen Freya. Maging si mama ay mabilis na lumingon sa kanya. "Mali? Paanong mali?"
Alexis! Alexis ano ba'ng nangyayari sa'yo waaa!
Hindi kaya may lason o kung anumang klase ng salamangka ang ginawa sa kanya nung nakalaban niya kanina sa paligsahan?
Hindi ko rin alam ang importante ay manumbalik ang ulurat ng mang--
"Alam niyo ang ingay niyo! Sasabihin na nung pekeng reyna kung ano ang sabi sa propesiya eh! Jusko kanino ba kayo nagmana ng kadaldalan?"
Waaa gising na siya!
Labis kaming nag-alala Alexis! Bigla ka na lamang bumagsak diyan sa hindi malamang dahilan.
Talaga ba? Basta ang alam ko bigla ko na lang nakita ang nakaraan sa pamamagitan ng panaginip. Hmm, weird.
True! Tignan mo tuloy ang kasuotan mo, basa na dahil sino ba namang matinong nilalang ang basta na lamang makakatulog sa sahig na may di kaayang-ayang amoy na tubig at mga lumot. Like duhh eeww!
Padabog kong kinamot ang ulo ko. "Ingay naman ng tatlong tutubing 'to!" Kala mo mga pretty.
Gusto kong bumalik sa pagtulog para ituloy ang panaginip ko. "Mamaya niyo na ako istorbohin okay? Kailangan kong malaman ang nangyari." Muli akong nahiga nung bigla ko ring ma-realize na nasa loob pa kami ng dungeon dahil sa isang basang sahig na hinigaan ko. "Eww!" Kadiri leste!
Eww talaga! Mahiga ka ba naman diyan sa sahig na may maruming tubig. Daig mo pa ang isang hampaslupa.
Pinaningkitan ko ng mga mata 'yung rakistang ipis. "Gusto mo lunurin kita dito ha?" I asked sarcastically.
Kahit wala akong ilong at bibig?!
Aba't talagang sumasagot pa.
"Mutatio vestimenta sua." I whispered as I stood up. Mukha nga akong hampaslupa sa itsura ko kanina. I'm now wearing a black long-sleeve cocktail dress. Syempre dapat pretty ako today dahil magkikita kami ng future mother-in-law ko hehe.
When we started walking, napaisip ulit ako sa mga nakita ko sa panaginip. Sobrang weird lang kasi, alam naman ni Prinsesa Alexis na maaaring pagbintangan si mama na pumatay kay Queen Freya, pero tinuloy pa rin niya ang plano niya.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.