Nakapikit ako. Nandito kaming dalawa ni Lucian sa Vernoxia, isa sa mga lugar na nasasakupan ng kaharian ng Arentsvelt. I am continuously whispering habang paulit-ulit ding humihinga ng malalim. "Feel the energy," according to Lucian, kailangan ko raw pakiramdaman ang mga maliliit na enerhiya na dumadaloy sa mga ugat ko. Honestly speaking, I can't feel any. Although, nakaka-relax sa pakiramdam ang ginagawa kong ito.
A soft wind blew my hair away from my face. I felt the wind against my face and my body. For a moment, pakiramdam ako idinuduyan ako ng hangin dahil at ang gaan-gaan ko. I can feel the wind, nararamdaman ko kung kailan at anong direksyon ito tatama. And then I felt na iisa lang kami ng hangin. Like I am the one who's controlling it.
Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko. "Nais kong damhin mo kung saan tatama itong kapirasong bato na hawak ko"
"Aba gago ka ah! Akala ko ba mahal mo ako bakit babatuhin mo ako? Eh kung ikaw kaya batuhin ko dyan!" Diri-diretsong saad ko kahit nakapikit pa rin.
Hindi ko narinig na sumagot si Lucian pero may naramdaman akong maliit na bato na tumama sa may braso ko. Akala ko masakit, hindi pala. OA lang pala ako. "Mas malaking piraso ng bato na ang sa susunod mahal ko"
Nag-concentrate ako tulad ng ginagawa ko kanina at pinakiramdaman ang buong paligid. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng mahinang pwersa at tila slow motion na papalapit ng papalapit sa'kin. Mabilis ko iyong inilagan.
Iminulat ko ang mga mata ko para tignan sa likod ko 'yung muntik ng tumama sa'kin. It's a stone as big as my fist. "Gago kang Lucian ka ah! Ang sabi mo maliit lang binabato mo! Eh kung tumama sa'kin 'yang bato basag ang mukha ko dyan!"
Laking gulat ko nung ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Mas malaki pa sa kanya ang lumulutang na bato sa kanan bahagi niya. "W-what the hell!" Umatras ako ng konti dahil nag-umpisang umikot ang bato habang nakalutang at hindi umaalis sa pwesto. It is creating wind, and force dahilan para magliparan ang mga maliliit na bato at lupa na nasa ilalim nito.
"W-wait Lucian!" Nag stop sign ako gamit ang kamay para subukang pigilan sya. He's not serious diba? Hindi naman niya ihahagis sa'kin 'yun. "Oh ghad!" Pabilis ng pabilis ang pag-ikot ng bato, kaya napalunok ako. For sure paglalamayan ako mamaya once na tumama sa'kin 'tong batong ito. "S-subukan mo lang ihagis sa'kin 'yan Lucian nako!" I am trying to stop him through my words pero hindi nagbabago ang facial reaction niya. He's as calm as ever so hindi ko alam kung anong iniisip niya.
"Tang*na Lucian ah! Subukan mo lang!" banta ko, pero deep inside ako na 'yung takot na takot dahil sobrang bilis na ng ikot ng bato ng bato na halos gumawa na ng maliit na ipo-ipo.
"Damhin mo ang hangin at patigilin mo ang ikot ng bato" Kalmadong saad niya. Unti-unting umaangat ang bato kasabay ng pag-angat ni Lucian ng kamay niya. Shit! "P-p-paano ko gagawin? Natataranta ako!" Goddammit!
Nung ikumpas ni Lucian ang kanang kamay niya ay mabilis na humagis patungo sa direksyon ko ang bato. "Damn!" I lifted my hands para pisikal na sanggain ang batong palapit. How stupid diba? Hindi ko inexpect na kasabay ng pag-angat ko ng kamay ko ay ang malakas ng hampas ng hangin na nagdulot ng pagkawasak ng malaking bato na papalapit.
"Whoa! W-wala akong naaalala na binanggit ko nakahit na anong spell kaya paano nangyari 'yun?" Takhang-takha na tanong ko. "Dahil ang elemento ng hangin ay kaisa mo na. Anumang oras na naisin mo itong tawagin ay magagawa mo,"
Inilihad ni Lucian ang kamay niya kaya doon na-focus ang tingin ko. He suddenly form a small tornado sa ibabaw mismo ng palad niya. And then a turned it into water, next is fire. And lastly, the fire suddenly turned into ashes. How the hell did he do that?
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.