"Wala naman siguro akong kailangang dalhin kapag pumunta kami ng Queinsville 'no" I am talking to myself habang tinitignan ko ang mga gamit ko na kakasalansan ko lang dito sa binigay na kwarto ni Claudia.
"Yung utak mo Alexis huwag mo kakalimutan, bawal ang mangmang sa Queinsville" Tinignan ko ng masama si Neesha. Kailan ba ako nito titigilan sa kakatawag ng mangmang. Psh!
"Paano naman madadala ni Alexis ang utak niya. Eh wala naman sya nun? Diba nga isa syang—"
Binato ko 'yung tatlong anay ng sapatos na hawak ko na mabilis nilang inilagan "Ako ba talagang ginagalit nyo ha?" Nawiwili na 'tong mga 'to ng ganito.
"Alexis, okay ka na ba?" Lumingon ako sa may pinto. Nakatayo na doon si Claudia at naka crossed arms while waiting for me. "Ahh oo, una ka na sa baba. Susunod na ako" Pagkatango at talikod niya ay kinuha ko na ang libro ng mama ni Lucian, at isang ballpen. Okay lang naman siguro na dalhin ko 'to.
**
"Tara na" Pag-aaya ko nung makababa ako.
"Yehey! Lilisan na tayo!"
"Pupunta tayo sa Queinsville!"
"Excited na ako!"
Mabilis kong tinignan ng masama ang tatlong surot na feelingera. "Sinong may sabi na kasama kayo? Hindi kayo kasama" Inemphasize ko talaga ang bawat salira na binitiwan ko para namang damang-dama nila.
"Kasama kami! Mangmang nga pwedeng sumama eh"
"Oo nga! Kami pa ba?"
Aba't talagang niloloko ako nitong si Neesha at Calista ah. "Wala akong pakialam sa nararamdaman niyo. Hindi kayo kasama" Sagot ko sa kanila.
"Sa tingin ko ay makabubuting kasama nga silang tatlo. Baka may maitulong sila sa'tin doon dahil taga Queinsville ang mga engkatada"
"Mabait talaga si Claudia!"
"Mas mabait kay Alexis"
"Hindi naman mabait si Alexis"
"Kung sabagay may punto ka"
I rolled my eyes dahil pumayag si Claudia na kasama 'yung tatlong germs. Kapag ako napuno, iiwan ko silang tatlo doon. "Nasaan na ba si—Lucian" Gulat na gulat ako nung pumasok si Lucian dito sa loob ng bahay ni Claudia. Shit! Patay!
"Hahahaha hindi ako si Lord Lucian" Mabilis na nagpalit ng anyo si Lark kaya nabwisit ako. "Akala ko naman si Lucian. Kinabahan tuloy ako"
"Kinabahan o umibig?" I let out a loud sigh at hindi pinansin ang tanong niya. Bakit ang mga nilalang yata dito sa kabilang mundo may mga katok sa ulo. "Ang mabuti pa'y lumisan na tayo" Sabi ni Claudia.
"That would be great!" Mabilis na sagot ko saka ako naunang maglakad palabas ng bahay. Hindi na ako nabigla nung makita ko na silang kasabay na naglalakad. They're vampires, so what would you expect? Syempre mabilis talaga silang kumilos.
Ginaya ni Zeldoran Lark ang itsura ni Lucian kung kaya't lahat ng makakasulbong namin yumuyuko sa kanya. I looked at him na mukhang aliw na aliw sa ginagawa niya. "You're enjoying the attention" Sabi ko.
Ngumisi sya bago niya ako sinagot. "Masarap pala maging tagapagmana" Mahangin na sagot niya. Oh well, it's pretty obvious sa mukha niya na aliw na aliw nga sya. Tsk.
Walang kahirap-hirap kaming lumabas ng gate dahil walang pumigil sa'min. Of course, kasama namin si Lucian. I mean, the fake Lucian.
"No sweat" Wika ko pagkalabas na pagkalabas namin ng gate.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.