Chapter 29

100K 5.1K 777
                                    

Nakatingin lang ako hanggang sa maisara nung isang lalaki ang mga rehas na bakal. Akala ko sa earth lang uso ang mga kulungan. Hanggang dito pala.

I had nothing to do but to heave a loud sigh at pakinggan ang mga yabag ng paa na papalayong naglalakad dito sa kulungan at ang tunog ng hampas ng alon ng dagat sa batuhan. Nakaka-suffocate ang amoy ng kulungan. Magkahalong amoy ng dagat at amoy nabubulok na katawan ng tao. Ang tanging liwanag lang na nakikita ko ay ang konting liwanag ng buwan na pumapasok mula sa maliit na durungawan. Ugh! Gaano ba katagal akong mamamalagi dito?

**

Nagising ako dahil akala ko may humawak sa pisngi ko. Pakiramdam ko kasi kanina may malamig na kamay. "Akala ko lang pala" Bulong ko at saka naupo at niyakap ang mga tuhod ko. Ugh! I really hate the smell of this jail. Parang nasa hukay an gang pakiramdam ko dahil sa umaalingasaw na amoy. Tumingin ako sa maliit na bintana. It's almost dawn. At medyo nagkakaroon na rin ng liwanag dito sa loob ng kulungan.

Kinikilabutan ako habang iniikot ko ang tingin ko sa kulungan. Ghad! Halatang-halata na dekada or baka century na ang itinagal nitong kulungan na 'to.

Hindi mo mapapansin ang bilis ng pagsikat ng araw. Nung magkaroon ng sapat na liwanag para makita ko ang paligid ay inilibot ko ang tingin ko sa buong jail. The jail is made out of hard rock. Ine-expect ko na ang makikita ko sa dingding ay puro sulat. Like nagbibilang kung kailan lalaya, 'yung mga usual na nakasulat sa dingding ng mga kulungan na makikita mo sa mga movies.

Kaso wala. Until I realized, na lahat nga pala ng isinusulat dito nawawala.

**

Ganito pala feeling kapag ilang oras ka ng nakakulong. Pakingteyp! Para akong mababaliw. "Aww" Daing ko habang nakahawak sa tiyan nung makaramdam ako ng gutom.

Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko para pumunta sa may pinto. "Hello! Hello?! Excuse meee! May tao ba dyan?!" Ilang ulit kong sinubukang kalampagin ang rehas para gumawa ng ingay. Pero walang sumasagot sa'kin.

"Hello?!"

Oo nga naman. Paano nga naman may sasagot sa'kin eh tao ang hinahanap ko. Pfft. How stupid. Again, "Hellooo?! May wizards ba dyan?!" saglit akong nakinig kung may sasagot sa tanong ko. At nung wala ay sinubukan ko ulit. "Eh vampires meron ba? Helloooo?!" Napahampas na lang ako sa rehas ng jail sa inis nung wala pa ring sumasagot.

Ugh! This isn't fair! Hindi naman ganoon kalala ang ginawa ko para ikulong nila ako ng ganito. Sa earth nga, kahit kaban-kaban ang ninanakaw ng mga government officials buhay prinsesa at prinsipe pa sila. Wala naman akong pinakialaman sa palasyo ng Queinsville kaya hindi ko deserve ang makulong dito.

Humarap uli ako sa rehas at saka tinignan ang umiilaw. 'Yung style ng lock dito sa kulungan parang style nung posas na ginawa sa'kin. The lock is made out of light, na parang may maliliit na lightning at daloy ng kuryente kang makikita. I tried to touch it kung nakakakuryente pero wala. Walang kahit ano kang mararamdaman, dahil hindi ko man lang nahawakan.

It's like an illusion.

At sa pag-aakalang hindi totoo ang lock ay sinubukan kong buksan ang rehas. Another katangahan. Dahil hindi ko mabuksan. The lock is visible in the eyes, pero hindi nahahawakan. What a brilliant idea.  Kaya it's impossible na makalabas ka basta-basta.

A word just popped into my head.

"Recludam" I whispered habang nakatingin sa lock. Kumurap ako ng ilang ulit when the light suddenly disappeared. "What happened?" tanong ko sa sarili ko. Ilang segundo pa akong natulala. Syempre kayo kaya try nyo, kapag may mga ganitong happenings, mapapatulala ka na lang talaga.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon