Tinignan ko ang hawak kong schedule at saka inilipat ang tingin sa label na nasa itaas ng pinto ng classroom. Potion-making 101
So dito nga ako dapat mag-umpisa?
Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa malaking pinto na made out of wood. I was about to knock at the door nung kusa syang bumukas ng dahan-dahan. Okay, nakalimutan kong wala ako sa mundo ng mga tao. Kaya everything here is different.
"Uhmm excuse me, kayo po si uhmm..." Binasa ko ulit ang schedule na nasa papel para tignan ang name niya. "...Seamus Brock?" Ghad! Bakit ba kinakabahan ako eh hindi ko naman first time papasok sa school. Tumingin sa direksyon ko ang propesor na nasa harap pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin niya sa beaker na may lamang liquid na kulay red. "Nice talking" I whispered sarcastically.
"Oh shit!" napahiyaw ako nung biglang may mabilis na liwanag na dumaan sa harap ko at sumabog sa pader na tinamaan. I shifted my glance quickly sa propesor na nasa harap. Matalim ang tingin niya sa'kin. Bigla akong kinilabutan. Ugh! Bakit ba kasi nakakalimutan kong iba ang mga nilalang dito kaya dapat mag-ingat ako sa mga sinasabi ko. "Sorry" nag-peace sign pa ako para naman mas mukhang sincere.
'Yung dalawang estudyante dito sa loob nakatingin sa'kin. 'Yung isa naman walang pakialam. Yes that's right, sa sobrang laki nitong room pwede kaming magkanya-kanyang laro ng sports na gusto namin. Dahil apat lang naman kaming estudyante.
I scanned all the long tables na punung-puno ng iba't-ibang kulay ng mga liquids at saka naghanap ng magandang pwesto. May mga halaman din na nasa mga nasa paso sa pinakadulo nitong classroom. Nangalumbaba ako at saka ko ibinalik ang tingin sa propesor na nasa harap para maghintay ng discussion.
Unang tingin pa lang kanina alam ko ng hindi bampira ang propesor namin, kung hindi isang wizard. Kahit saglit pa lang ako dito madali ko ng nade-determine kung sino ang bampira at wizard. Inilipat ko ang tingin sa tatlo kong kaklaseng bampira na busyng-busy sa mga ginagawa nilang pagsasalin ng liquids. Pagdidikdik ng halaman at kung anu-ano pa.
Maya-maya pa ay naglakad si Professor Seamus at tinignan ang ginagawa nung isang bampira. Teka, you mean hindi na talaga sya magdidiscuss? Shit! Hintay pa naman ako ng hintay na magdiscuss.
Lumingon ako sa kaliwa't kanan at nagtingin kung may workbook na pwedeng pagtinginan ng mga gagawing experiment tulad ng sa physics, biology, at chemistry subject ko noon. I saw a piece of paper na nakapatong sa dulo nitong mahabang table.
Love Potion
Shit! Ang pangarap ng lahat ng kababaihan sa mundo ng mga tao. I smirked.
Kasi kung maiisipan kong bumalik doon, meron na akong mapagkakakitaan. Pwede akong magbenta ng mga love potion para magkapera. Nice! Ayos 'to!
20 patak ng luha ng mga diwata ng Atwood
Dinikdik na bulaklak ng singing tree
2 hibla ng buhok ng unicorn
3 piraso ng mula sa
1 ugat ng puno ng halusinasyon mula sa Atwood
Katas ng bulaklak na mula sa tuktok Mt. Sepia sa Avengarth
Okay.
Tinignan ko ulit ang mahabang lamesa at saka hinanap ang mga ingredients na nakalagay. Buti naman at lahat ng kailangan ay nandito na. Ang akala ko kailangan ko pang sakalin 'yung tatlong lamok para lang umiyak sila.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.