Chapter 20

114K 5.7K 689
                                    

"Ako?" Nakaturo ang hintuturo ko sa sarili at hindi makapaniwala sa sinasabi ni Lucian. I mean, paanong ako? "Itong itsura kong 'to magiging reyna? Eh ni hindi ko nga alam kung paano magpalakad ng mga ganyan. Tapos ako ang reyna?" Like what the fvck!

Tumango sya bago nagpatuloy. "Isang daan taon na ang nakakalipas, lahat ng mga nilalang dito sa kabilang mundo ay inalisan mo ng memorya para matigil ang digmaan," What? Seryoso?

"Ginawa ko 'yun?" Tumango si Lucian kaya nagtanong ulit ako. "Pero bakit pati ako walang naalala? Ang siraulo ko lang, pati ako tumakas sa problema" Naiinis na sabi ko. Hindi naman kasi yata tamang iwan ko ang problema ng ganun na lang.

"Hindi mo naiintihan, mahal ko" Hinawakan niya ang kamay ko. Ohh ghad! Medyo hindi ako sanay sa mga ganitong sweet-sweetan ah. "Kapalit ng ginawa mong malawakang pag-aalis ng memorya, ay ang sarili mong mga memorya. At sa oras na maalala mo lahat, ay mawawalan ng bisa ang ginawa mo"

"Pero bakit ka pumayag? Wala na bang ibang paraan para matigil 'yung digmaan na 'yun?" Tumungin si Lucian sa malayo at saka mapait na ngumiti. "Iniisip mo noon na kasalanan mo ang nangyayaring digmaan, dahil ikaw ang kauna-unahang babae na isinilang para maging tagapagmana ng kaharian ng Quiensville. At ayon sa propesiya, sa ikaapat na henerasyon, isang kaharian lang ang dapat na mamuno dito sa kabilang mundo,"

"Kaya nag-umpisa ang war?" Tanong ko.

Tumango ulit si Lucian at saka huminga ng malalim, "Nasaan si Queen Freya nung mga panahong 'yun?" Tanong ko dahil biglang nag-sink in sa utak ko ang libro na nakita ko sa library ng mga Arentsvelt.

"Pumanaw ang aking ina bago pa man mag-umpisa ang digmaan."

"Huh? Bakit? Diba ang mga bampira immortal?" Nagttakhang tanong ko. Tumango sya at saka ulit nagsalita. "Pinaslang sya" Tipid na sagot niya.

I was shocked. "S-sorry. Pero sino ang pumatay?"

"Hindi ko rin alam mahal ko, basta nakatanggap na lamang kami ng balita na pinaslang ang aking ina. Maraming haka-haka noon na..." Tumigil bigla si Lucian sa pagke-kwento kaya nabitin ako, leche! Doon pa sa climax tumigil eh. "Na ano?"

"...na si Reyna Azaria ang gumawa nun, ang iyong ina"

I stood up kasabay ng pagkagulat. "Ha? Aba makapag-bintang wagas ah! Paano nangyari ang sinasabi9 mo? Kahit wala akong naalala, alam kong imposible 'yang gawin ng mama ko," I shook my head before I continued. "Hindi niya magagawa 'yan Lucian" Hinawakan niya ulit ang kamay ko "Alam ko" Wika niya kaya medyo kumalma ako at saka ulit naupo sa tabi niya. "Yan din ang sinabi mo noon sa'kin"

Saglit akong natigilan dahil bigla kong naalala ang scene na 'to sa panaginip ko. Kasunod ng pagkakaalala ko ng tagpong iyon ay ang unti-unting pag-rehistro ng mga eksena sa memorya ko.

"Paano nangyari ang sinasabi mo? Imposibleng gawin 'yang binibintang nila kay mama" mangiyak-ngiyak ako dahil hindi ko alam kung uunahin kong i-comfort si Lucian, o uunahin ko ang inis ko.

"Hindi ko alam" Tipid na sagot ni Lucian. He's mourning, pero hindi sya umiiyak. "Nagkasundo si mama at si Reyna Freya na magkikita hindi ba?" Naluluhang tanong ko. Tumango sya at saka sumagot, "Hindi na bumalik ang aking ina matapos nun" Sagot niya. His fists are closed. Kaya alam kong nagpipigil lang sya ng galit. "Patawad," Ito lang ang alam kong sabihin, dahil hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Basta naniniwala akong walang kinalaman ang aking ina na si Reyna Azaria sa mga nangyari.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon