Chapter 13

121K 6.2K 1.4K
                                    

Laking gulat ko nung may umagaw ng papel na hawak ko. "Sino may sabi sa'yong mangialam ka rito?!" Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Dahil akala ko kung sino ang kumuha ng papel.

"H-how did you get here?" Takhang-takha na tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong narinig na ingay ng bumukas na pinto o kahit yabag ng paa na palapit sa'kin.

O baka naman masyado lang ako naging busy kaya hindi ko namalayan?

"Tinatanong ko kung bakit ka nandito?"

Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko bago sya sagutin. "Ano bang pakialam mo?" Nakapamewang na tanong ko.

"Hindi mo ba alam na pribado ang silid na ito? Dahil akin ang silid na ito" Madiin na sagot niya sa'kin. I arched my right eyebrow. "Aba bakit? Inaangkin ko ba?" Tignan mo 'tong sira-ulong lalaking 'to. Kung makapag-react akala mo kung ano ang ginagawa sa kanya.

"Labas" He ordered.

"Ayoko" Madiing sagot ko.

"Tss"

"Inutusan ako ni Sir Gaspar na linisin 'to eh" Tinalikuran ko sya saka naglakad. Pinulot ko ang iba pang mga nakakalat na libro sa sahig. "Kung nasisiraan ako ng ulo, iisipin kong ilang daang taon na 'tong kwartong 'to" Sabi ko habang isinasalansan ang mga kakapulot ko lang na libro. Naubo pa ako dahil sa kapal ng alikabok nung pagpagin ko ang libro. "Grabe!" Sabi ko sa pagitan ng pag-ubo.

Magkakasakit ako sa baga dahil sa kapal ng alikabok na nilalanghap ko dito. "Lucian, huwag ka ngang tumayo dyan. Kumuha ka ng walis tambo at dustpan." Utos ko. "Tss"

Nung lumabas sya, inumpisahan kong tignan ang iba pang libro para maghanap ng kung anu-ano. Kanina pa kasi ako naba-bother doon sa nakita kong sulat. Ugh! Am I being paranoid, or just curious?

Narinig kong bumukas ang pinto kaya nag-pretend ako na nag-aayos lang. "Oh. Nandyan ka na pala. Umpisahan mo ng mag-walis" Utos ko, habang kunwari ay nag-aayos ng mga libro. "Mukha ba akong utusan?" It's obvious in his voice na naiirita na sya pero deadma ang peg ko. "Bakit ako ba mukha ring utusan? Secretary ang inapplyan kong trabaho pero naglilinis ako nitong library." Sagot ko habang itinutuloy ang pagsasalansan ng mga libro.

Binitawan niya ang walis at dustpan na hawak niya saka lumapit sa'kin at tumulong sa pagpulot ng mga libro. "Sabi mo sa'yo 'tong library. Bakit hindi mo nililinis?" Tanong ko sa kanya ng nakakunot ang noo. Hindi ako tanga, alam kong niloloko niya lang ako. Imposible naman kasing sa kanya 'tong kwarto dahil 'yun mga libro—oh well, possible naman. Kaso, I don't know. Parang confusing masyado sa dates. Parang may mali eh.

"Pakialam mo ba?" Tinignan ko sya ng masama dahil sa isinagot niya sa'kin. "Psh. Sungit!" I whispered at saka padabog na nag-ayos ng mga libro. Sa sobrang lakas ng pag lapag ko ng libro sa lamesa ay halos masira 'yung isa kaya tinignan ako ng masama ni Lucian "Tss. Dahan-dahanin mo naman. Makakagalitan ako ng may-ari ng mga aklat,"

Tumawa ako ng pang-asar "Para namang buhay pa ang may-ari ng mga librong 'to. Eh tignan mo oh. Mas matanda pa kila Jose Rizal ang iba" Sagot ko, and note the sarcasm. Naiinis kasi ako, parang ang importante naman masyado nitong mga librong 'to sa kanya.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon