Chapter 25

109K 5.1K 583
                                    

Tarantang-taranta ako at hindi magkaintindihan sa gagawin ko. "Professor Seamus, Professor Seamus! Nadidinig nyo po ba ako?" Sinubukan kong yugyugin ang braso niya at tapikin ng mahina ang pisngi niya para magising sya pero wala. He's not responding.

And then I felt a little dizzy.

"Wala ng ibang paraan kung hindi ang ialay ang buhay ng tagapagmana ng ikaapat na henerasyon na si Prinsesa Alexis Queinsville"

Nakarinig ako ng boses ng isang lalaki, kung kaya't bumangon ako at naglakad. Wait, is this a dream? Bakit kitang-kita ko ang mga pangyayari crystal clear. Dumungaw ako sa isang maliit na bintana. I covered my mouth. Because if this is not a dream, baka marinig nila ako.

"Mystic Theurage Seamus Brock. Baka may iba pang paraan, nakikiusap ako hindi bilang isang reyna kung hindi bilang isang ina. Huwag muna tayong magpadalos-dalos sa mga desisyon" I smiled bitterly, and I can no longer hold my tears, sya ba ang mama ko?

"Ngunit mahal na reyna, iyon ang nakasaad sa propesiya. Naisisiguro ko na magkakaroon ng digmaan kung hindi natin susundin ang nakasulat doon" Aba'y gago 'to ah. Tama nga ang sinabi nila Eureka, gusto nga nila akong patayin. Darn!

I closed my fist, at saka nag-umpisang maglakad palayo. Bakit mas marunong pa ang Mystic Theurage kaysa sa mama ko?

Natigilan ako sa mabilis na paglalakad when I saw myself on a balcony. So panaginip nga 'to? Or pwede ring nag-travel ako papunta sa nangyari noon? Ugh! Ano ba 'tong pinag-iiisip ko. But nothing's impossible. Wala ako sa real world, so possible ang kahit na ano.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa bench sa tabi niya. "Naguguluhan na ako kung ano ang dapat kong gawin" I stared at myself for few seconds. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan, or rather, sa mukha ko. "Tama sya. Kapag natuloy ang digmaan, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang alisin ang alaala ng lahat"

Kumunot ang noo ko with that line. "Sinong sya?" Hinarap ko ang sarili ko at naghintay. Kaso leche! Hindi niya ako nakikita, at mukhang hindi rin naririnig. "Alexis, sinong sya ang tinutukoy mo?" Sinubukan ko pang ulitin ang tanong ko baka sakaling magkaroon ng himala at madinig niya ako.

Pero wala. Shit!

"Lady Alexis, kailangan nyo na pong maghanda para sa huling salu-salo bago umalis ang mahal na Reyna" Tumayo si Alexis kaya tumayo na rin ako para maglakad-lakad sa iba pang parte nitong palasyo. Una kong hinanap ang kwarto ng hari at reyna kung nasaan ang mama at papa ko.

"Buo na ba talaga ang desisyon mo my queen? Maaari naman kitang samahan—"

"Hindi mo ako maaaring samahan, mawawalan ng mamumuno dito sa palasyo kung tayong dalawa ang maglalakbay. Huwag kang mag-aalala aking Wenceslaus, ipinapangako ko na magiging maayos ang pag-uusap namin ni Queen Freya,"

"Mystic Theurage Seamus Brock" parang bell na nag-ring sa tenga ko ang pangalan na 'yun. Kaya lumingon ako sa kaliwa't kanan kung saan nanggaling ang nagsalita.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon