Chapter 45

91.5K 3.3K 521
                                    

Nakasakay kaming dalawa nung hamster sa isang unicorn na na pinahiram sa amin ni tito uncle. May kasama kaming dalawa pang salamangkero na nakasakay sa dalawa pang unicorn. Hindi ko alam ang pangalan nung dalawa dahil naman nila kami kinakausap.

"Ito na ang Limehild" wika nung gamu-gamo.

"Wow" I whispered nung makalampas kami sa mga bundok na dinaanan namin. Mga isla na nakalutang sa ere ang nakikita ko, at mukhang alam ko na kung saan kami patungo dahil natatanaw ko 'yung pinakamataas na mukhang may templo. "Doon ba nakatira si Djinn?" tanong ko sa daga pagkatapos kong ituro 'yung templo sa taas.

"Doon nga"

Kumapit ako ng mabuti sa unicorn dahil mabilis at pataas ng pataas ang lipad namin. "Konting kalma naman sa paglipad, kapag nahulog ako dito mawawalan ng ka-forever si Lucian babes. Baka kalderetahin ka nun" pagbabanta ko sa unicorn.

**

"Hanggang dito na lamang kami" sabi nung isa sa mga salamangkero nung makarating kami sa taas. "Nasa loob ng templong iyan si Djinn"

Sumakay silang dalawa sa kani-kaniyang unicorn at akmang aalis na nung pigilan ko sila. "Saglit aba naman! Paano kami makakababa mamaya kung aalis na kayo?" ngumiti lang sila at saka nagpatuloy sa pag-alis.

"Syet! Mukhang may lahi pang scammer 'yung dalawang salamangkerong 'yun Neesha. Ano sa tingin mo?" bulong ko kay Neesha. Hindi niya ako sinagot dahil lipad siya ng lipad kung saan-saan.

"Huwaaaa ngayon lang ako nakarating dito sa templo ni Djinn"

"Halata nga" tipid na sagot ko at saka napailing. Pinagmasdan ko rin itong templo ni Djinn. Kung bakit ba naman kasi hindi ko dinala ang cellphone ko. Edi sana nakapag-picture ako para marami akong remembrance.

Puro puti ang makikita dito sa templo, lahat mukhang gawa sa marble na color puti. Maliban syempre sa mga halaman at puno. Sobrang tahimik kaya ihip lang ng malakas na hangin ang naririnig ko.

Hanggang makapasok kami sa loob ng templo ay wala pa akong nakikita na kahit isang nilalang. "Waaa ang lalaking rebulto" hindi ko alam kung mamamangha ako o kikilabutan. Dahil dito sa malalaking rebulto na makatotoohanan ang mga itsura. "Tignan mo ang ganda ng isang 'yun" turo ko sa rebulto ng isang babae na mukhang pang-sosyalin ang suot. Punung-puno siya ng mga kumikinang na alahas at ang ganda-ganda niya.

"Yan si Aphrodite" tipid na sagot nung uod. Feeling ko nakatingin sila sa'min dahil sa pagkakagawa sa mga ito.

"Puro mga rebulto ng mga Gods at Goddesses dito sa kabilang mundo"

Omygod! Mga Gods and Goddesses pala ang mga ito? Ang sarap sa pakiramdam maglakad sa gitna nila ha. Imagine niyo naglalakad kami sa hallway tapos ang nasa magkabilang gilid namin ay ang mga naglalakihang rebulto nila.

"Sinasamba niyo ba sila dito sa kabilang mundo, tulad sa mundo ng mga tao?" usisa ko.

"Naniniwala kami sa mga propesiya na ibinibigay nila, ngunit hindi ko alam kung paanong sinasamba ang nais mong ipabatid" sagot niya, so meaning, hindi nila sinasamba? Eh bakit kaya may mga rebulto dito sa templo ni Djinn? Ano siya? Fanatic lang ng mga gods and goddesses?

"Ngunit ayon sa mga sabi-sabi, maraming nilalang dito sa kabilang mundo ang naghahangad na maging kasing lakas ng mga kapangyarihan ng mga gods and goddesses. Alam mo bang kaya kami natatakot noong una kay Lord Lucian ay dahil isa siya sa mga iyon?" tumigil ako sa paglalakad at saka tinignan ng masama 'yung ipis.

"Hoy grabe ka naman, hindi naman ganyan si Lucian babes 'no! Ano naman pakialam niya dyan sa mga kapangyarihan na 'yan. Saka isa pa, ang alam ko nga ayaw niyang maging hari ng Arentsvelt eh, kaya imposible 'yang sinasabi mo. Sino ba nag-tsismis sa'yo nyan nang masaktan ko?" inis na tanong ko. Sure na sure ako na katulad 'yan nung mga nakita ko sa Queinsville na mga tsismoso at tsismosa. Siguro sa kanila rin nanggaling ang mga balitang 'yan.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon