Third Person's POV
Halata ang pagkabalisa ni Eureka dahil pabalik-balik siyang naglalakad habang iniisip ang sasabihin kay Alexis na ngayon ay kakalabas lamang ng portal at pabalik sa kinaroroonan niya kanina. "Sabihin ko na kaya kay bes ang totoo?" Tanong nito sa sarili. "Pero kahit naman sabihin ko hindi naman siya maniniwala."
Still pacing back and forth, she uttered again. "Pero hindi, kailangan malaman ni bes ang totoo."
Mabilis na lumipad ang tatlo upang salubungin ang paparating na si Alexis.
Ang husay ng ginawa mo kanina mangmang. Papuri ni Neesha.
Kasunod ng tatlong fairies ay ang pagsalubong ni Eureka sakanya. "Prinsesa Alexis, maaari ba kitang makausap sandali?" Tanong nito nung halos isang metro na lang ang layo nito sakanya.
Ngunit sa halip na pansinin ito ni Alexis ay diri-diretso ito na parang walang narinig.
Alexis tinatawag ka ng iyong kaibigan.
Hayaan mo siya Luella, taksil naman 'yan.
"Prinsesa Alexis!" Eureka tried to call her once again, habang nakasunod ito sa paglalakad ni Alexis. "Kung kasinungalingan lamang lahat ng sasabihin mo sa'kin, then I think you should stop wasting your time." Eureka was about to respond nung magsalita ulit si Alexis, "Kung ipipilit mo pa rin sa'kin na si Lucian ang masama, at kayo ang tama please lang, don't even waste my time dahil wala akong panahon makinig sa inyo." Mabilis itong tumalikod at mag-uumpisa na sana ulit maglakad nung magsalita ulit si Eureka.
"Nung gabing 'yun.."
-
Alexis' PoV
"Sinabi mo sa amin ni Samara na kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag naming hahayaan na bumalik ang memorya mo."
I arched my eyebrow because it's pretty obvious that she's pushing it hard enough to convince me. But I keep on asking myself because of this gut sense, is this right?
Nandirito ako sa balkunahe. Lumingon ako sa mga salamangkero at salamangkera na nasa ibaba. Unti-unti silang naglaho hanggang sa marining ko ang boses ni Eureka.
"Sa huling pagkakataon Prinsesa Alexis tatanungin kita, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Hinawakan ni Prinsesa Alexis ang mga kamay ni Eureka. You can see the tension in her eyes.
"Alexis ano? Sigurado ka na daw ba?!" Nakapamewang ako dahil naiinip na ako sa isasagot niya. Sa totoo lang, alam ko na kung ano ang paniniwalaan ko, but it's not bad para kumpirmahin 'to mula sa'kin. Total, libre ko namang nakikita mga ganap noon, so susulitin ko na.
"Oo." Tipid na sagot niya. "Hello?! Ano 'yun na 'yun? Wala bang explanation man lang?" Pigilan niyo ko baka mabanggit ko salitang 'death' sa dating Alexis, very bobo ha.
I shifted my gaze kay Samara nung bigla siyang dumating. "Nakahanda na ang lahat para sa isasagawang ritwal ng Prinsesa Alexis. Doon tayo dadaan sa likod ng palasyo upang walang makapansin sa atin."
"Susunod kami, Samara" sagot ni Eureka sa kanya.
Lumapit ako kay Prinsesa Alexis para pagmasdan siya. "Ano na self? Bakit parang feeling confused ka? Ano ba talaga iniisip mo?" Tanong ko. I'm hungry for answers. I want to know everything that's running through her mind.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.