Nakatayo ako sa tuktok ng isang tore. Pinagmamasdan ko ang nangyayari sa ibaba. Kitang-kita ko kung paano isa-isang pinapaslang ng mga vampires na nakasuot ng kulay itim na damit, ang mga taong nakasuot ng kulay puti.
Tinignan ko ang kasuotan ko na nagniningning. Ang ganda! Nakasuot ako ng magarang gown. Combination ng puti at silver at may mga kumikinang na bato.
Tumingala ako para tignan ang kalangitan. Kabilugan ng buwan at nagniningning sa mga bituin. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa kaganapan sa ibaba nung biglang magbago ang nakikita ko.
The shifting of scene was fast. Kanina, I was the one standing sa mismong lugar na kinatatayuan niya. Pero ngayon, I am few steps away from her. Nakatalikod sa sa'kin ang isang babae na nakasuot ng gown na kaparehas ng suot ko kanina. Tinignan kong muli ang suot kong damit. Pero iba na, I am now wearing the clothes I wore kanina before sleeping.
I tried to move my left foot. And to my surprise, naigalaw ko sya. Kaya nag-umpisa akong maglakad palapit sa babae. I badly want to see her face.
"Isa na lang ang natitirang paraan para matapos ang digmaan" She said, alam kong umiiyak sya dahil sa tono ng boses niya. Palapit ako ng palapit sa kanya. "Ngunit kapag inalisan ko ng ala-ala ang mga nilalang dito sa kabilang mundo. Maging ako ay mawawalan ng ala-ala"
Magkatabi na kami ngayon, I am on her left side at parehas kaming nakatanaw sa nangyayari sa iba. Masakit makita na isa-isang pinapaslang ng mga bampira ang iba pang mga nilalang.
"Makakalimutan ko ang lahat..." Dahan-dahan akong tumingin ako sa kanya para tignan kung sino sya. I can't utter a single word nung makita ko ang itsura niya. No, I am looking...
At myself...
Ikinurap ko pa ng ilang beses ang mga mata ko dahil baka namamalik-mata lang ako. Pero hindi, totoong-totoo ang nakikita ko. Umiiyak sya..
I mean ako, umiiyak ako. Shit! Pati ako nalilito na.
Titig na titig ako sa kanya, . Itinaas ko ang isang kamay ko para kapain ang pisngi ko. Nararamdaman ko kasing may tumutulong luha mula sa mga mata ko.
"Makakalimutan ko rin pati si..."
I closed my eyes and wiped my tears gently. "...Lucian" I whispered kasabay ng pagmulat ng mga mata ko. I smiled bitterly and turned to look at my left side.
Titig na titig sya sa'kin at takhang-takha. The clothes she's wearing are my clothes. I smiled at her. And then she smiled back. No, she's—she's just doing the same thing. I tried to step back and she did the same.
"Alexis"
Sabay kaming tumingin sa boses ng lalaki na nagsalita. "Lucian" We both whispered. Palapit sya ng palapit sa'min at—
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.