Lumuluhod at malugod na bumabati ang bawat nilalang na mapapadaan sa dako namin. Syempre duh! Nandito kaya si Lucian. Sya lang naman ang binabati nila. Pagdating sa'min, who you na. Ilang minuto rin kaming naghintay bago binuksan ang pagkalaki-laking gate na nasa harap namin na tinatawag na Devil's gate. Pangalan pa lang talagang nakakapanindig na ng balahibo.
"Kumusta ang pag-uusap nyo ni Ama?" I diverted my gaze at Dred na casual na tinanong si Lucian, pero iniiwas ko rin agad ang tingin ko dahil baka masabihan ako ng tsismosa. Pero syempre tinalasan ko ang panindinig ko para madinig ko ang pag-uusap nila.
Hindi sumagot si Lucian. Instead he held my hand na talaga namang ikinagulat at ikinakilig ko. Enebe! Ang daming nilalang oh, PDA much naman ang nais nitong bebe ko.
"Nais sana naming lumahok sa Devil Square" Dineadma nung lalaki ang sinabi ni Chiara at saka humarap kay Lucian. Choosy si kuya, papable ang hanap.
"Hindi po namin inaasahan ang pagparito ninyo sa Devil Square Lord Lucian" Magalang na bati sa kanya nung nasa ticketing booth. Sossy dito 'no? May ticketing booth. "Manonood po ba kayo ng laban? Ipapaayos ko po ang inyong tutuluyan" Sabi niya. What a brilliant idea.
"Naks VIP pala ang peg na'tin dito Lucian ah" Sabi ko sabay tulak sa kanya ng mahina. "Lalahok kami sa Devil Square, ginoo" Lucian said without looking at me. "Sabi ko nga sasali kami, ito kasing si kuya daming pauso"
May lumapit sa aming babae na itsurang tao, ang kaso nga lang ay mayroon syang mga pangil, buntot at sungay. Isa-isa niya kaming kinabitan ng bracelet. "Wow may souvenir" Pinagmamasdan ko ang bracelet dahil yari ito sa silver pero may mga batong kumikinang na kulay pula. "Ang sossy!"
"Ito ang tanda na tayo ay kalahok na ng Devil Square. Sa oras na lumabas tayo rito ay kukuhanin din sa'tin iyan, bawat panalo na'tin ay mag-iiba ang kulay ng mga bato sa pulseras," Paliwanag ni Chiara. Ahh. Akala ko pa naman souvenir. Pero ang astig ah!
"Maaari po ba kayong sumunod sa akin habang ipinapaliwanag ko po ang mga alintuntunin dito sa loob ng Devil Square?" Tanong nung babae. Wala silang imik na sumunod kaya ganun na lang din ang ginawa ko.
May dalawampung metro siguro ang layo namin sa karagatan pero tanaw na tanaw mula dito ang itim na itim na dagat na tila gusto kaming lamunin dahil sa lakas ng hampas ng mga alon. Hanggang dito sa nilalakaran namin umaabot ang talsik ng tubig dahil tumatama iyon sa malalaking bato. Nakahawak ako sa kamay ni Lucian, at pakiramdam ko sa mga oras na 'to parehas na kami ng temperature ng kamay dahil sa sobrang kaba ko.
"Ang uri po ng laban dito sa Devil Square ay ang tinatawag na Death match" I gulped after hearing those words. "Bawat pangkat po na kalahok sa paligsahan ay may walong myembro. Kung sino man ang unang kalahok na makikipaglaban ay hindi maaaring palitan ng iba pang myembro kung sya ay nabubuhay pa at may lakas pang lumaban"
"Paano kung naghihingalo na?!" Mabilis na tanong ko.
"Kinakailangan pa rin pong maghintay ng pagpanaw bago palitan ng susunod na myembro ng inyong pangkat"
"Ahh—shit teka sumasakit yata tyan ko, parang sira na 'yung French fries na binigay sa'kin kanina" Tumingin silang lahat sa'kin kaya para akong binuhusan ng malamig na yelo.
"Sinungaling"
"Ang galing mag imbento ng istorya, sariwang-sariwa kaya ang French fried tapos sasabihin sumakit ang tiyan"
"Huwag nga kayong maingay dalawa, naririnig tayo ni Alexis"
"Sipsip!"
"Ahm excuse me ate, gusto raw sumali nitong dalawang tutubi sa Devil Square, pwede mo ba sila ihanap ng pangkat? I asked with a smirk. Naglalakad pa rin kami at ngayon ay papasok na kami sa isang kweba.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.