Chapter 14

115K 6.3K 1.4K
                                    

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Lucian. I was shocked, as in totally shocked sa sinabi niya. Pero deep inside gusto kong mag-pagulong-gulong dito mismo sa kinatatayuan ko. Tama naman ako ng narinig diba? This isn't a dream right?

Tatawag na ba ako ng pari para maikasal na kami ni Lucian ngayon?! My goodness! Gusto kong magpa-party at pakainin ang buong Pilipinas sa sobrang tuwa na nararamdaman ko. Kaso naalala ko, hindi nga pala ako mayaman.

Nakatitig sa'kin si Lucian. He's waiting for my answer, and all the ancient Gods and Goddesses knows how much I want to say I love you too kaso iniisip ko si Eureka. Tapos isa pa 'tong si Narkissa. Sabi niya ikakasal na sila ni Lucian sa susunod na kabilugan ng buwan.

I faked a sarcastic laugh. "Wala akong panahon sa mga sinasabi mo. Uuwi na ako" Ginaya ko ang line pati ang tono ng sinabi niya sa'kin kagabi. Saka ako naglakad papunta sa kotse niya. Hindi ako bitter okay? At mas lalong hindi ako pakipot. It's just that, ayokong makasakit ng ibang tao. Lalo na kung bestfriend ko pa.

Malapit na ako sa kotse when he appeared right in front of me. Like what the fuck?! How the hell did he do that?! Lumingon agad ako sa likod ko to check if he's there pero wala. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko. "N-nanaginip ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Hindi totoo ang mga panaginip. Ito ang totoo" He held my right cheek gently kaya halos mapalundag ako dahil-"A-ang lamig ng kamay mo" Bulong ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko and damn! Ang lamig ng kamay niya. "Bakit ganon?" Takhang-takha na tanong ko. I don't get it. Unti-unting inilapit ni Lucian ang mukha niya sa'kin. Until I felt na his lips are brushing mine. He's gently kissing me. I want to respond pero hindi ko maiwasan na mapaisip dahil pati ang labi niya malamig.

And alam na alam ko kung sino ang mga creatures na ganito.

"Vampires" Bulong ko, in between our kisses. Unti-unting inilayo ni Lucian ang mukha niya sa'kin. There I saw his fangs. I am running of words to say. Kahit isip ko bahagyang natigilan. Dapat sa mga oras na 'to nakakaramdam na ako ng takot dahil isang bampira ang nasa harap ko, pero I feel comfortable and safe. Hinawakan ko ang kanang pisngi niya. "Hindi 'to panaginip?" Tanong ko.

Umiling sya at saka hinawakan ang kamay ko. Ghad! Ang lamig-lamig niya talaga!

"Lord Lucian"

Napabitaw agad ako kay Lucian at umatras palayo sa kanya dahil biglang sumulpot si Loki. Nung ibalik ko ang tingin ko kay Lucian ay wala na ang mga pangil niya. Balik na ulit sya sa itsura niyang normal. Bahagyang tumungo si Loki bago sya ulit nagsalita. "Lord Lucian ano pong ginagawa nyo?" Tanong niya.

Pinagmasdan ko silang dalawa na parehas na natahimik at magkatitigan lang. 'Volo legere mentibus' I unconsciously said on my mind.

"Ipagpaumanhin nyo po ang aking panghihimasok ngunit kailangan kong burahin ulit ang ala-ala ni Lady Alexis dahil baka maging sanhi ito ng panunumbalik ng memorya niya"

"Alam ko. Ngunit maaari mo ba muna akong hayaan na kausapin sya bago mo burahin ang ala-ala nya?"

Naririnig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa pero hindi ko nakikitang bumubuka ang mga bibig nila. Ibig sabihin, nababasa ko rin kung anong pinag-uusapan nila?

"Masusunod po"

Tumungo si Loki kaya napatingin ako sa kanya. "Ipagpaumanhin nyo po ang aking pang-aabala. Mauuna na po ako" Magalang na paalam niya at saka naglakad paalis. Inilipat ko ang tingin ko kay Lucian ng may pagtatakha.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon