My hands were shaking and I could no longer control my whole body. Kahit sobrang lakas ng ulan, I felt warm tears start to stream down my face. I closed my eyes tightly and balled my fists knowing that I might have to fight for my life.
"Pallium" I softly whispered. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tignan kung naging invisible ako. Pero shit! Anong nangyari? Bakit nakikita ko pa rin ang sarili ko?
"Pallium!" This time may halo ng inis ang pagkakasabi ko kaya mas malakas na ang boses ko. Sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat. I heard the Cerberus growled kaya mas lalo akong nagpanic. "Pallium!" P*taragis na pallium bakit ayaw umepekto?
"Alexis ano bang ginagawa mo? Umalis na tayo" the rat pleaded.
"Sinusubukan kong maging invisible" Mabilis na sagot ko at saka ulit nagsalita ng "Pallium!!" Asar na asar na ako dahil kung kailan namang kailangan—
"Hindi gagana 'yan dahil hindi gumagana ang mga magic spells dito sa loob ng Oldewood"
What the fudge? Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya dahil para akong pinanghinaan ng loob. Pinikit ko ang mga mata ko dahil wala na akong ibang naiisip na paraan.
Naghintay ako ng ilang segundo bago ko imulat ang mga mata ko. I looked up at sakto namang kumidlat kaya I got to see the man na walang takot na dumaan sa gitna ng Cerberus. Unti-unting tumila ang malakas na buhos ng ulan at nahawi ang makapal ng ulap sa langit kaya bahagyang lumiwanag ang Oldewood.
"L-Lucian" I couldn't take my eyes off him while he's slowly walking towards my direction. Pulang-pula ang mga mata niya at nakalabas ang mga pangil niya. Tinignan ko ang mga Cerberus, they're all sitting on the ground na parang mga maaamong aso.
"A-Alexis umalis na tayo!"
"Alexis tumayo ka na dyan. Mamamatay tayo dito"
"Huhuhu Alexis"
Takot na takot at nanginginig ang boses nila Luella, Calista at Neesha pero kabaligtaran naman ang nararamdaman ko ngayon.
Tumigil si Lucian sa paglalakad. Ilang hakbang pa ang layo niya sa'min, pero hindi niya inaalis ang titig niya sa'kin.
"Alexis, alis na tayo" Aray ko ha! Nararamdaman ko ang paghila nilang tatlo sa mga hibla ng buhok ko.
"H-hinahanap kasi namin 'yung daan palabas dito sa Oldewood. Tapos hinabol kami ng mga Cerberus," Hindi ko alam kung bakit nag-e-explain ako ngayon. Basta na-feel ko lang na kailangan kong mag-explain. Lumingon sya saglit sa mga Cerberus, kaya tumingin din ako sa mga iyon. They are creating fearful sounds and bow their heads at him.
Ang mga sumunod na nangyari ang nakapagpalundag ng puso ko sa sobrang gulat at takot. In just a blink of an eye, lahat ng Cerberus na kanina ay maamong nakaupo ay wala ng buhay na nakahiga sa sahig. What the fudge happened?
Ibinalik ko ang tingin kay Lucian at ang mas ikinadagdag ng gulat at takot ko ay 'yung kanang kamay niya na may mahahabang kuko habang may mga tumutulong dugo.
"Alexis huhuhu umalis na tayo"
"P-P-Papaano mo ginawa 'yun?" I softly asked with my voice shaking. Imbis na sagutin niya ako ay lumapit sya sa'kin at umupo sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.