"Wala ba talaga akong naikwento sa'yo kung sino ang nagsabi sa'kin ng tungkol doon?" Tumitingin ako sa paligid kasi hindi ako sanay ng ganitong magkaholding-hands while walking. Enebe! Sa mundo nga ng mga tao hindi ko na-experience 'yung ganito. Tapos dito ang lakas kong tumalandi. "Wala" Tipi dang sagot ni Lucian at mukhang wala na sya sa mood kaya hindi na rin ako nagtanong.
I'm sure na hindi lang si Professor Seamus ang may kinalaman tungkol dito. But if that's the case, kailangan malaman ko agad ang mga nangyari bago pa tuluyang bumalik ang memorya ko. Ugh! Ang hirap naman nito.
Tumigil kaming dalawa ni Lucian sa tapat ng next class ko. Dinukot ko ang papel na nakatupi sa bulsa ko at saka tinignan "Spells and Rituals" I whispered. Tumingala ako para tingan ang nakasulat sa itaas ng pinto. Spells and Rituals-101. So ito nga ang room.
And speaking of spell..
"Lucian, paano nga pala ang sa spell?" I'm talking about all the vampires na naging yelo. Hanggang ngayon kasi hindi ko alam ang gagawin para bumalik sila sa dati. "Ahh" He snapped his fingers and whoa! Just wow! Parang walang nangyari dahil back to normal na ang lahat.
"Papasok na ako" Sige na! Ako na ang naghihintay na pigilang pumasok, kasi naman simula nung binanggit ko sa kanya ang tungkol sa napanaginipan ko bigla syang naging cold. Pero hindi niya ako sinagot, bigla na lang syang nawala sa harap ko. "Psh" Umiling ako dahil sa lecheng Lucian na 'yun. Hindi man lang marunong ng goodbye kiss, anong klaseng boyfriend ba mayroon ako noon. Tsk!
I stopped mula sa mabilis na paglalakad nung mapansin kong may professor sa harap. Ito na naman po ako. Kailangan ko ng umayos dahil baka hindi na talaga ako sikatan ng araw dito. Inayos ko ang paglalakad ko, like I'm the most obedient student ever.
"Binibining Alexis Salvador"
"Po?" I responded attentively kahit hindi pa ako nakakahanap ng vacant chair na pwede kong upuan. "Maaari kang maupo doon sa tabi ni Ginoong Zeldoran Lark," Tumingin ako kung saan 'yung tinuro ng propesor. "Sige po" Sagot ko, hindi man lang ako umangal kahit na ang makakatabi ko sa klase ay mukhang antipatiko.
I sat two seats away from Zeldoran Lark. Kaming dalawa lang naman ang nandito sa mahabang table. Bawat classroom kasi dito sa Rivrantine parang Physics lab or Chemistry lab na may mga mahahabang table. Ang kaso nga lang, hindi ganoon ka-populated ang mga classroom. Plus the fact na wala talagang designated sections. Kung saan mo pakiramdam na doon ka nababagay, doon ka papasok. Ang cool diba?
"Umpisahan natin ang paksa sa pagbibigay kahulugan ng salitang spell. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Spell?"
Umayos ako ng upo dahil interesting ang subject. Kung ganito ba naman ang tinuturo sa mundo ng mga tao, paniguradong iilan lang ang a-absent sa subject na 'to. Ang sarap kayang matuto ng mga hokus-pokus na ganyan.
"Ang spell ay ang mga salitang binibitawan o sinasambit ng isang salamangkero o salamangkera na may kasamang mahika. Bawat spell ay makapangyarihan. Bawat spell ay maaaring magdulot ng kabutihan o kasamaan, depende sa paraan ng paggamit" Patuloy lang ako sa pakikinig when I noticed the students na wala man lang kahit ballpen at papel. They're just listening, hindi man lang naiisipan mag jot down ng mga sinasabi ng prof.
Kinuha ko sa bulsa ko 'yung schedule na ibinigay sa'kin. Pwede ko naman siguro 'to gawing scratch. Buti na lang din na mayroon ako palaging dalang ballpen sa likod ng pants ng pantalon ko.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.