Chapter 4

180K 7.9K 1.7K
                                    

Inaayos ko pa ang buhok ko at nagmamadaling maglakad papuntang kanto. Kamusta naman ang pakiramdam ng late sa first day, or should I say, first night ko sa trabaho? Wish ko lang hindi ako makatikim ng sermon mamaya.

Kinatok ko ang bintana ng kotse na nakaparada sa may kanto. I am actually not sure kung ito ba 'yung kotse kagabi, although parehas silang black. Medyo nagulat pa ako nung si Lucian ang nagda-drive ng kotse. "Akala ko si Sir Gaspar ang su—"

"Hindi sya makakapunta." He said, without even looking at me.

I nodded, bago tuluyang sumakay sa loob ng kotse. "Mukha ba akong driver at sa likod ka sasakay? Dito ka harap." Napaka-antipatiko nitong lalaking 'to! Leche eh! Lumabas ako at lumipat sa harap ng kotse. Calm down Alexis, masisira poise mo pag pinatulan mo ang balahurang lalaking 'yan.

I don't feel like talking to him, so buong byahe lang akong tahimik at nakatingin sa mga dinadaanan namin.

"Hindi ka dapat basta-basta tumatanggap ng trabaho." Tinignan ko sya, nagtatakha ako syempre. Out of the blue bigla na lang syang nagsalita tapos ayun pa ang sasabihin nya. Like who the heaven does he think he is?

Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit naman?" I asked.

"Hindi mo sila kilala." He stated, as if kilalang-kilala naman nya sila.

I sighed and shifted my glance outside the car. "Mabait si Dred, nakausap ko na sya. And besides, wala namang masama sa pagiging secretary." Mas mabait pa nga si Dred sa'yo eh.

"A single conversation is never enough to tell if he's good or not." Natawa ako dahil sa sinabi nya. "At umi-english ka pa talaga ah." Pero somehow, may point naman ang sinabi nya. Bigla ding nawala ang ngiti ko nung makita kong seryoso sya.

Tumikhim muna ako before asking. "Sa kanila ka din ba nagtatrabaho?"

"Hindi."

"Pero magkakilala kayo?"

"Oo."

"Ahh. Eh saan ka nakatira?"

Nag-aantay ako ng sagot nya pero ngumiti sya. Omy effin god! He is so freaking hot. "Sa bahay nung babaeng itinakda para sa'kin." Okay, tigilan ang kalandian Alexis, taken na si kuya.

"Ahh so may asawa ka na pala? Kapal lang din ng mukha mo ah? Ikaw pa talaga nakitira, bakit hindi sya ang dalhin mo sa inyo?" Pabirong sabi ko.

"Kapag naiintindihan na nya lahat."

"Naks! Ang lalim ng hugot, hindi halatang in love ah." Natatawang sagot ko. "Bakit iniwan mo sa bahay nyo? Hindi ba delikadong umalis pag gabi?" Sunod-sunod na ang naging tanong ko. Dahil mas lalo akong naging curious. Parang ang bata naman nya para magkaroon ng asawa, pero ganyan naman siguro talaga pag nagmahal, walang pinipiling edad o estado sa buhay.

"Hanggang dito na lang ako." Itinigil nya ang sasakyan sa tapat ng pagkalaki-laking gate ng mansion nila Dred. "Thanks sa pagsundo ah." Sabi ko. Tumango naman sya, pero wala syang sinabi. Nakatingin lang sya sa malaking gate ng mansion.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon