"Tinatawagan ang unang dalawang myembro ng magkabilang pangkat na umakyat na sa arena dahil mag-uumpisa na ang unang laban" I gulped. Not because I'm nervous but because I can't control the feeling of excitement. Ang laki ng naging impact sa'kin nung mga sinabi ni Lucian kanina.
"Kung hindi ka pa handa, maaari rin naman na ako muna ang makipaglaban. Sa susunod na round—"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Dred. I smiled, "Hindi na, ako ang kailangang mag-practice diba?" Iniabot ko kay Claudia ang hawak kong french fries.
Mas lalong dumagundong ang hiyawan ng iba't-ibang nilalang nung nasa gitna na kami ng arena. Pinagmamasdan ko ang makakablaban ko. She's a Gorgon because I noticed na she's snake-haired katulad nung nilalang na nasa palasyo ng Arentsvelt. Is she doing some rituals or prayers before we start? Nakapikit kasi sya.
"Huwag kang titingin sa mga mata niya Alexis, magiging bato ka"
"Mag-ingat ka rin dahil baka may mga ahas na nakakalat sa paligid at matuklaw ka"
Nataranta tuloy ako bigla at iniikot ko ang paningin ko sa paligid dahil sa sinabi nung bubuyog, kahit hindi pa nagsisimula ang laban. And shit! May mga ahas nga na nakakalat sa labas ng arena.
"Excuse me, is that even fair? May mga kasama syang ahas na nasa labas ng arena. I thought this is a one on one battle?" Tanong ko sa announcer. If that's the case, pwede rin akong magsama ng kahit na anong hayop na alaga ko.
"Oo naman! Kahit anong nilalang na alaga mo ay maaari mong isama sa labanan" Sagot nung announcer.
Ayos!
But the sad thing is, wala naman akong alaga. Hindi ko naman pwedeng isali 'tong tatlong daga dahil baka ito pa ang ikamatay nila.
"Maaari na ba nating simulan ang laban?" Tanong nung babaeng bampira na nasa gitna ng arena at may hawak na microphone. I nodded, ganoon din naman ang makakalaban ko.
"Unang laban mula sa magkabilang pangkat, simulan na!" In just a blink of an eye ay nawala ang announcer sa gitna ng arena at hindi magkanda-mayaw ang mga nilalang na nanunuod sa paghiyaw. Nabalot din ng puti but almost transparent na usok ang audience pati na rin ang mga kasali na hindi pa lumalaban. Maybe it's a form of protection para sa mga audience dahil malalakas na kapangyarihan or salamangka ang gagamitin ng mga maglalaban dito sa arena.
"Pallium" I whispered para maging invisible habang nag-iisip ako ng gagawin. My enemy started to whisper words na hindi ko naman maintindihan. What the hell is she doing?
"Huwaaa Alexis 'yung mga ahas!"
"Alam nila kung nasaan ka Alexis!"
"Waaaa Alexis huwag mong pairalin pagiging mangmang!"
Dinig na dinig ko ang kaingayan ng tatlong kuto. "Damn!" They're goddamn right! Dahan-dahang papalapit sa'kin ang mga ahas so useless din naman pala kahit naka-invisible ako. "Explico" I said. I waved my right hand right after I became visible para naman itaboy ang mga ahas palayo gamit ang element of wind pero bumabalik lang din sila palapit sa'kin.
I created a ball of fire and threw it away sa mga ahas na palapit and it's working dahil nauubos ang mga ahas na lumalapit sa'kin. I smiled. Hindi naman pala ganun kahirap gamitin ang element of fire. My smile faded nung tumingin ako sa babaeng kalaban ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. I saw her looking directly to my eyes. And now, I can't fucking move, and all I can see is darkness.
"Pinaalalahanan na kasi kita kanina na huwag kang titingin sa mga mata niya, hindi ka nakinig"
"Wala ng pag-asang tumalino ang mga mangmang"
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.