Chapter 17

117K 5.8K 436
                                    

I closed my eyes at habang humihigpit ang hawak ni Lucian sa leeg ko, ay mas lalo akong nasasaktan. Papatayin niya ba ako? Pero 'yung sakit na nararamdaman ko ay hindi sa leeg kung hindi puso. I opened my eyes and stared at his eyes. Galit na galit syang nakatingin sa'kin. I am scared. Pero 'yung takot na nararamdaman ko napalitan ng pagdududa.

Dahil hindi 'to magagawa ni Lucian sa'kin.

Yeah right, this isn't real. Imposibleng mangyari 'to! "You're not real. Hindi ka si Lucian"

He disappeared immediately after kong ma-realize at sabihin na hindi sya totoo. Pati ang mga kaninang nakikita ko ay unti-unti ring naglaho. Sinubukan kong maglakad at maghanap ng kasama.

Sa paglalakad-lakad ko ay may nakita akong lalaking nakatayo at nakatalikod sa'kin "Lucian!" Kahit hindi sya humarap at kahit naglalakad palayo ay kilalang-kilala ko pa rin sya.

"Oy Lucian! Hintayin mo nga ako!" Hiyaw ko. Ugh! Ano ba 'tong lalaking 'to. Napagkabilis maglakad. Napapagod na ako kakahabol pero ayaw pa rin nyang tumigil sa paglalakad. Hanggang sa napansin kong dumidilim ang buong paligid.

"Lucian! Bagalan mo naman ang lakad mo" Natatakot na ako dahil kahit anong habol ko sa kanya ayaw niyang tumigil. At mas lalo pang bumibilis ang lakad niya palayo sa'kin.

"Uy Lucian! Huwag ka na naman magpa-chiks! Masakit na mga binti ko" Hiyaw ko. I run as fast as I could para lang maabutan sya hanggang sa madapa ako. "Lucian!" I shouted. Nangingilid na ang mga luha ko. But all he did is walk away from me. Hanggang sa tuluyan na syang naglaho sa paningin ko.

Nung inilibot ko ang tingin ko, wala na akong makita dahil sobrang dilim na. "Nasaan na ako?" Oh crap! Naupo ako at saka ko niyakap ang mga tuhod ko. All I can feel is loneliness. At ayoko ng ganitong pakiramdam.

I began to cry with loud cries, pleading for miracles to happen. "Bakit nag-iisa na lang ako? Iniwan na ba talaga ako ni Lucian?" My body, feeling the gravity of the situation was compressed until I couldn't breathe. My chest, my throat, my heart, they all felt crushing weight of the condition I was in.

I was no longer in command of my body. And I felt fear.

"Alexis"

Tumunghay ako at saglit na tumigil sa pag-iyak. Someone called my name.

"Alexis naririnig mo ako?"

Pinunasan ko ang mga luha because I figured out kung kaninong boses ang naririnig ko. "Nasaan kang tutubi ka?" Inis na tanong ko. Omyfcknggod!

Biglang nagsink-in sa utak ko ang mga nangyayari. "This is Atwood. Nasa loob ako ng Atwood, at maybe. Maybe ito 'yung sinasabi ni Luella kanina na illusions" Ngayon ko lang na-realize kung ano ang totoong nangyayari sa'kin. Bigla akong nabuhayan ng loob. I stood up para maglakad ulit.

"Luella" tawag ko sa paru-paro. "Luella where the heaven are you?"

"Imulat mo ang mga mata mo Alexis, nandito lang ako" Umikot pa ako para laang hanapin sya but I can't still see her. "Ako Luella huwag mong pinaglololoko baka hindi kita matantsa" Pananakot ko dahil naiinis na ako. Ang dilim-dilim! Wala akong makita. Nag-uumpisa na naman akong makaramdam ng takot. Paano kung may lumabas na multo, or zombies? Mag-isa pa naman ako dito. Anong gagawin ko?

"Pakiramdaman mong mabuti Alexis. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano."

Sinunod ko ang sinasabi ni Luella. Pumikit ako at ikinalma ang isip ko. Tumigil ako sa pag-iisip ng kung anu-anong mga bagay.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon