Chapter 5

173K 7.3K 970
                                    

"Alam ko talaga nakasandal sya sa pader kagabi nung makita ko eh." Bulong ko. Pero baka din naman namalikmata lang ako.

Dapithapon, maaga akong nagising kaya naisipan kong tumambay dito sa may tindahan sa kanto. Tahimik akong kumakain ng tigpi-pisong chichirya habang nanunuod sa mga batang lalaki na nakaupo sa may gutter at may hawak na kani-kaniyang PSP. Nung bata ako hindi pa uso 'ung mga ganitong laruan eh.

"BESSSSSS!!!" Hindi pa ako lumilingon alam ko na kung kaninong hiyaw ang nadinig ko. "Besssss!" Mas malakas na ang boses nya ngayong ilang hakbang na lang ang layo nya. Pero hindi ko pa din sya nililingon, nakatingin pa din ako sa mga batang naglalaro ng PSP. Hanggang hawakan na nya ang braso ko ng kamay nyang pasmado. Eeww.

"Bes nanggaling ako sa apartment mo pero wala ka, buti nakita ko si Aling Fatima at sabi baka bumili ka daw dito sa tindahan." Sya si Eureka Grimswald. Kaibigan ko na sya simula first year college. Actually tatlo kami. The other one named Samara Friggs. Sabi nila, half European, half Asian daw sya kaya ganyan ang surname nila. Ewan ba dito sa dalawang 'to. Edi sila na foreign.

"Bes alam mo bang may nakilala akong gwapong lalaki kagabi. Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko ng mahal ko sya eh." I rolled my eyes saka ibinalik ang tingin ko sa mga batang naglalaro. Ganyan na sya talaga kadaldal mula pa noon. Kabaligtaran naman ni Samara, si Samara ay medyo tahimik at may pagka-strikta.

"Diba may boyfriend ka?" If I'm not mistaken two years na sila ng boyfriend nya. "Hahaha ano ba bes, break na kami." At talagang masaya pa sya? "Break na kayo tapos natawa-tawa ka pa dyan." I asked habang masamang nakatingin sa kamay nya na dumudukot ng chichirya sa kinakain ko. Tignan mo 'tong babaeng 'to. Tigpi-piso na nga lang ang kinakain ko, nangbuburaot pa. "Kasi bes, tayong mga babae kapag iniwan tayo ng mga boyfriend natin, instead na umiyak. Dapat mag-party tayo diba? Blessing in disguise 'yan kasi wala na tayong sakit ng ulo, walang problema, walang iniintindi, walang pinagse-selosan, walang iiyakan." Sa tono ng boses nya parang wala nnga lang talaga sa kanya 'yung 2 years na pagsasama nila ng boyfriend nya. Kung sa bagay, mas mabuti na 'yung ganito kaysa naman umiiyak sya.

"Back to our topic, as I was saying, ang gwapo nga ng nakilala kong lalaki kagabi.Tapos—"

"Saan mob a nakilala 'yang lalaking 'yan?" Tanong ko.

"Malapit sa bahay nyo bes, kaya nga pumunta ako ulit dito kasi—teka bes si Aling Fatima nga pala binayaran ko kahapon kasi sabi nya hindi ka daw nagbabayad ng upa sa apartment. Binayadan ko na hanggang isang taon kaya no need to worry." Mabilis akong lumingon kay Eureka dahil sa sinabi nya. Itinatago ko nga sa kanya ang tungkol sa utang ko kay Aling Fatima dahil alam kong babayadan nya eh.

She's always like that, pag may problema ako lalong-lalo na kung financially. "Hayaan mo bes babayaran kita in no time, wait ka lang matapos ko ang ginagawa kong story."

"Gumagawa ka ulit ng story bes? Pabasa ako ah." Excited na sabi nya. "Ayan ka na naman bes tapos lalaitin mo gawa ko ha." Inirapan ko sya kasi ang hilig nyang laitin ang ginawaga kong story, tapos ang dami nyang suggestions.

"Hahaha bes, ako pa din naman ang number 1 fan mo. Kami lang naman kasi ni Samara reader mo eh." Tumawa pa sya ng malakas kaya kinurot ko sya sa braso. "Ang sama mo."

"Hahahaha."

Umiling ako at saka tumayo habang sya ay taw pa rin ng tawa. "Bes tatawagan ko si Samara ha, para sabay kaming magbabasa ng story."

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon