"Sya si Claudia Bloodsworth, ang head ng Icrolux de vil" I stared at the woman na pumasok dito sa loob. Ang ganda niya at ang fierce! Sa unang tingin pa lang alam ko na rin na hindi sya wizard dahil tulad nila Lucian, pale din ang kulay niya.
"Wizard ka?" Maangas na tanong niya habang pinapasadahan ako ng masamang tingin. I gulped. "Ahh oo" Tipid na sagot ko. Oh no! Sabi na dapat hindi na lang ako nag-aral dito eh.
"Ikaw na ang bahala kay Binibining Alexis" Sabi nung lalaki. Inirapan sya ni Claudia at saka ako hinila, and the next thing I knew, nasa labas na kami nung building na pinag-examan ko kanina.
"Ngayon ka lang ba nakapasok dito sa Rivrantine?" Tanong niya. Patakbo ang paglalakad ko dahil masyado syang mabilis maglakad. Buti hindi ako naka-heels. "Oo" Sagot ko. Hindi ko alam kung dapat ba magtanong-tanong ako ng mga bagay-bagay tungkol dito o hayaan ko na lang sya magkwento. Medyo nakakatakot kasi itsura niya.
"Kung ganon, makinig kang mabuti sa mga ipapaliwanag ko" Sabi niya. "Ang Rivrantine ay ang tirahan at paaralan ng mga bampira." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Puro bampira ang estudyante dito, walang wizards?" Tanong ko.
"Wala, bakit naman magkaka-wizards dito?" Walang ganang balik niya ng tanong sa'kin sabay irap. Hindi na ako sumagot. Wala nga pala silang naaalala sa nangyari kaya siguro ganun.
"Ang limang dormitaryo ay pinamumunuan din ng limang estudyante. Ang una ay hawak ni Lord Lucian Arentsvelt,sya ang-"
"Next na, kilala ko na si Lucian"
Pinandilatan niya ako ng mata sabay emphasize pa ng 'Lord' sa'kin. "LORD Lucian" She said. Kaya Tumango ako at inulit ang sinabi niya. "Lord Lucian" I said in a bored tone.
"Ang ikalawa naman ay hawak ni Miss Narkissa Vartouhi" Nagulat ako dahil sa sinabi niya, hindi ba dapat sa 1st dormitory sya dahil anak sya ng asawa ni King Lazarus? "Bakit hindi sya sa unang dormitoryo napunta?" Nagtatakhang tanong ko.
"Ahh malay ko. Ayaw niya doon sa una eh" Walang ganang sagot naman niya. Psh. Nakakainis naman 'to kausap.
"Ang ikatlong dormitoryo naman ay pinamumunuan ni Chiara Ursela, at ang ikaapat ay kay Zeldoran Lark. Bawat pangkat ay may kani-kaniyang teritoryo na mahigpit na ipinagbabawal sa mga hindi kabilang dito. Kung kaya..." Tumingin sya ng masama sa'kin at saka ako pinagbantaan. "Huwag na huwag kang pupunta sa ibang dormitoryo" Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Shit! Plano ko pa namang pumuslit mamaya at puntahan ang Sylvari Hevenell.
"Ito ang Icrolux de vil" Tumigil kami sa isang pagkalaki-laking gate. "Mahigit sa limang daang libong bampira ang nasa loob nito" Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang gate ng Icrolux de vil. "Oo nga pala, hindi porket panglima sa listahan ang Icrolux de vil, ay iisipin mo ng mangmang ang lahat ng nandirito sa loob. May mga bampira rito na mas may alam pa kumpara sa mga nasa Sylvari Hevenell" Pinagmasdan ko ang mukha niya habang sinasabi niya 'yun. And I can feel na isa sya sa mga matatalinong student na 'yun.
Ngumiti ako sa kanya at saka nag-okay sign. Pero inirapan niya ako at saka nag-umpisang pumasok sa loob. Pagkapasok namin, matatalim na tingin ang natanggap ko mula sa iba pang bampira. Mga nakalabas ang pangil nila at mukhang galit. "Hayaan mo lang sila. Wizard ka kasi kaya ganyan" I frowned and asked her. 'Ano namang meron kung wizard ako?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.