Each and every attendees was wearing black. It was a huge party, yet strange. But I can't tell, because that was the first time I've ever seen a party.
It was something na nakita ko na somewhere.
No... It was an eerie feeling of de javu. Parang nangyari na 'to sa'kin before. The party, the venue, the people, their stares. But that's impossible, kasi kahit anong isip ang gawin ko, wala akong naaalala na inattendan na ganitong party. Maybe nakabasa or nakapanood na ako ng ganito.
But I loved being there.
I want more. I want to spend the rest of the evening at the party. Not until I saw him...with someone else.
"Hayy! Ayan ka na naman sa kalandian mo Alexis!! Bakit ba laging si Lucian ang iniisip mo?" Bakit ba 'yung lalaking 'yun ang iniisip ko kahit na nasa kalagitnaan ako ng pagta-type ng story.
My heart jumped nung may madinig akong tumawa. A soft voice of a man laughing. "Sino 'yan?" Asdfghjkl!! Lumingon ako sa likod ko, nakahawak ako sa sandalan ng upuan na inuupuan ko habang pinakikiramdaman ko ang buong paligid.
Wala namang tao ah! And besides ang aga-aga pa! Mag-a-alas syete pa lang ng gabi may multo na?
*knock* *knock*
"Shit!" Halos tumalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang gulat. Galing din ng timing nitong kumakatok na 'to. Sinakto pa kung kailan namang may kababalaghan akong nadidinig saka pa kakatok.
*knock* *knock* "Besss! Tulog ka pa ba? Ano ba naman! Gabing-gabi na natutulog ka pa! Bumangon ka na nga dyan at buksan mo pinto!!" Ito talagang si Eureka ang sarap gilitan ng leeg minsan. Kung maka-katok akala mo naman mamamatay kapag hindi pinagbuksan ng pinto. "Oo na!! Mag-hintay ka nga dyan!" Hiyaw ko sa kanya pabalik habang sine-save ang tinype ko sa computer.
"Hello my beautiful and awesome bestfriend" Pakaway-kaway pa si Eureka pagkabukas ko ng pinto ng apartment. "Hindi mo kasama si Samara?" I asked, tinignan ko din ang paligin but there's no trace of her. So malamang hindi nya kasama. "Kasama ko bes, nandito sa bag ko" She answered sarcastically.
"Okay" I rolled my eyes saka sinara ang pinto. "What brought you here?" Tanong ko. Kumuha ako ng isang sachet ng kape. "Gusto mo?" Tanong ko ulit. "Hahaha as if naman dalawa na mug mo bes" Oo nga 'no? Isa pa nga din pala mug ko. Hindi ko na naalalang dagdagan. "Bakit? Bawal na ba mag-share?" Sarkastikong tanong ko. "So ano nga? Bakit ka nga nandito?" Dagdag ko pa.
I noticed na parang wala sya sa sarili kasi she keeps on looking around. What the fudge is her problem? "May problema ka ba sa apartment ko bes?" I asked while pouring the hot water into my mug. Pero hanggang sa maisalin ko ang isang sachet ng instant coffee ay hindi pa din nya ako sinasagot.
"Uy bes! Bubuhusan kita nitong kumukulong kape!"
She shifted her glance at me pero mukhang nasa space pa din ang presence nya. "Ha? Ano 'yun bes?" Tanong nya. "Ano bang problema mo? Bakit bigla ka na lang nag space out?" Curious na tanong ko.
"Ahh—w-wala, wala. Para kasing may kung ano dito sa apartment mo bes. Wala ka bang napapansin?" Tanong nya. "Oh shit!" Ibinaba ko ang mug sa lamesa saka ako lumapit para dumikit sa kanya. "May nadinig ka bang tumatawa Bes?" I asked. Okay, natatakot na ako. Gustuhin ko mang mag-change topic at balewalain na lang 'yun, I can't. Kasi nacu-curious ako.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.