I scanned the whole room and saw two scary creatures standing on each side of the door. I am uncertain whether to sigh or to grab the candelabra beside me to use as a weapon.
They're not looking at me pero mangingilabot ka talaga sa itsura nila. 'Yung isa ay snake-haired, makikita mo ang paggalaw ng mga ahas sa itsura niya. Ganitong-ganito 'yung itsura ng kalaban ni Darna sa palabas eh. 'Yung isa naman ay sobrang laking nilalang. He's more like a beast at may hawak-hawak na axe.
Okay na sana ang itsura nitong kwarto. Eleganteng-elegante ang dating at mukhang mamahalin ang mga gamit kaya lang may mga monsters.
Tumikhim ako para pukawin ang atensyon nila kasabay ng pag-upo ko sa kama. Pinasingkit ko ang mga mata ko dahil hindi man lang nila ako tinignan. "Hindi naman ako naka-pallium" I whispered, habang pinagmamasdan ang braso ko. "Ehem" Halos tumalsik na ang baga ko palabas ng katawan ko sa pagkaka 'ehem' ko pero walang epekto. Nakatingin pa rin sila sa isang direksyon.
Inalis ko ang makapal na kumot para makababa ako mula dito sa malaki at malambot na kama na kulay pula. Dinampot ko ang candelabra na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at hinipan para mamatay ang sindi. Marami pa namang ibang candelabra kaya okay lang. Just in case kasi na sunggaban nila ako at least may nakahanda akong pampukpok sa mga ulo nila hindi ba?
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanilang dalawa. I tightened my grip on the candelabra. "Excuse me" Tapang-tapangan lang ako sa pagsasalita pero ang totoo niyan kanina pa ako natatakot, lalo pa't ang sama makatingin nung mga ahas na nasa ulo nung isa. "Ehem! Hello?!" Aba'y gago 'tong mga 'to ah. Kanina pa ako daldal ng daldal hindi nila ako pinapansin. Pa-peymus!
Sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinitignan nila baka makakita ako ng something interesting kaya hindi nila ako pinapansin. Pero wala naman? I see nothing but walls and bedroom furniture.
"Alexis!"
"Alexis gising ka na ba?"
"Alexis buksan mo pinto!"
Napatampal ako sa noo when I heard the three mice. Naalala ko na! Nawalan nga pala ako ng malay dahil doon sa katangahan ko sa apoy. Pinakinggan ko muli ang boses ng tatlong gamu-gamo. Nanggagaling ang tunog sa labas ng pinto na nasa gitna nung dalawang monsters.
Sinusulyap-sulyapan ko 'yung dalawang monsters habang sinusungkit ko naman ng candelabra 'yung pinto. Hindi kasi ako makalapit ng tuluyan sa pinto dahil natatakot ako dun sa dalawa. Concern lang naman ako sa kanila. Baka mamaya kainin nila ako, edi nasapok sila ni Lucian my labs. "Ano ba 'to ang hirap naman buksan!"
"Waaaa!" Gumalaw 'yung kamay nung malaking beast kaya tumakbo kaagad ako pabaalik sa kama. Dali-dali akong nagtakip ng kumot na mata lang ang nakalabas habang titig na titig ako kung anong gagawin niya. And damn! Binuksan lang niya ang pinto kaya lumipad papasok 'yung tatlong lamok. Tang*na nun pinakaba ako ah!
"Alexis bakit ka nakatalukbong ng kumot dyan?"
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Ganyan talaga mga mangmang kung anu-anong kahibangan ang ginagawa"
Tinignan ko ng masamsa si Neesha. "Gupitin ko kaya pakpak mo?" Aish! "Natatakot kasi ako sa mga 'yun" Sabay-sabay silang tatlo na tumingin doon sa dalawang monsters sa may pinto.
"Ahh"
"Takot ka pala doon?"
"Sa prinsipe ng kadiliman hindi ka natatakot. Tapos takot ka sa kanila"
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.