Chapter 6

216K 7.3K 1.7K
                                    

Another typical sunset, tinititigan ko ang panibagong story na ginagawa ko. Siguro tama sila, pangit ang ginagawa kong vampire story kaya much better kung susundin ko ang payo nila Samara at Eureka na ibahin ang plot.

Wala akong kagana-ganang nagta-type ng mga naiisip kong bagay na ilalagay ko sa bagong story na gagawin ko.

Aish! Wala talaga ako sa mood, and I don't even know why. Naghahanap ako ng inspiration para sa ginagawa ko until mapatingin ako sa necklace na binigay ni Eureka sa'kin.

Hinubad ko ang necklace para ano pa ba? Edi mag-selfie, at kapag nagkaroon ng pagkakataon na makabisita ako sa computer shop, ipopost ko agad 'to sa FB. Ang hirap naman kasi ng walang internet connection sa bahay. Kung regular lang ang sweldo ng pagiging isang writer, edi sana makakapagpakabit ako kahit papaano.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang trabaho ko sa mga Arentsvelt, kung magtutuloy-tuloy lang sana 'yun. Edi sana makakaluwag-luwag ako.

"Alexis!"

Nadidinig ko na naman ang boses ni Aling Fatima. Ito talagang matandang 'to! Ang hilig mang-iistorbo. Paano ako makakapag-concetrate sa ginagawa ko? E hindi ko pa nasisimulan may maingay na.

"Alexis!!"

"Opo! Nandyan na po!" Sunud-sunod na naman syang kumakatok sa apartment. Ano bang problema nito? Nabayaran na sya ni Eureka diba?

Bugnot na bugnot akong tumayo sa upuan para pagbuksan sya ng pinto.

"Ano ho ba 'yun?"

"Aalukin lang sana kita kung gusto mong bumili ng mga ganito" May iniabot sya sa'king brochure ng mga inaalok nya.

Tinignan ko muna sya bago ko ibinalik ang tingin sa brochure. Aba't talaga nga naman! Daig pa ako ni Aling Fatima, rumaraket. "Maganda 'yang mga produktong 'yan. Naku siguradong—"

"Aling Fatima wala naman ho akong pera eh." Ibinalik ko na sa kanya ang brochure. "Sige po kailangan ko ng mag-ayos mag-aalas sais y media na eh." Paalam ko.

**

Palakad-lakad ako sa may kanto. Ilang minuto na rin akong nag-aantay dito. Humaawak ako sa dibdib ko para sana kapain ang amulet na bigay ni Eureka. "Shit hindi ko nasuot ang kwintas."

I was about to walk my way back to the apartment nung makadinig ako ng busina ng sasakyan kaya lumingon ako. "Finally." Nakangiti ako at nagmadaling sumakay sa kotse.

"May nangyari ba kahapon? Bakit hindi ka—"

"Nanggaling ako dito kahapon pero hindi kita makita."

"Ano? Hanggang alas dose ako dito ng—"

"I waited here until dawn." Naiinis ako dahil sa mga sinasabi nya. Sinasabi ba nyang niloloko ko sya. Na wala ako dito at—"Pinuntahan din kita sa apartment mo pero walang tao."

"Tigilan mo ako Lucian, nasa apartment ako magdamag, huwag kang gumawa ng story dyan. O baka naman gusto mo ding maging writer?" Sarkastikong sagot. "Alam mo pwede, in fairness may talent ka!" Dugtong ko pa, pero hindi na sya umimik. See? Boys will always be boys, ang hihilig mag reason out.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon