Iniisip ko pa rin ang mga nakita ko kanina habang naglalakad kami ni Luella. Saan ba ako dadalhin ng dagang 'to? Psh! Palibhasa sya easing-easy lang gumala-gala dahil palipad-lipad lang.
"Alexis, bilis dito tayo" Tiningnan ko ng masama si Luella kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Wala rin akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa mga sinasabi niya. Wala naman din kasi akong alam dito sa Atwood.
"Omygosh!" Another breathtaking view. "Ang daming katulad mo" Ang galing at ang cu-cute nila. Iba-iba ang kulay ng mga fairies na lumilipad pero magkakamukha sila.
Sinundan ko ng tingin si Luella na lumipad palayo sa'kin. Tignan mo 'tong salagubang na 'to! Nakabalik lang sa tirahan niya, nilayasan na ako. I rolled my eyes at saka naglakad-lakad muna. Talagang ugali pala nitong mga fairies ang pagiging shy type. Kasi nilalayuan nila ako.
"Alexis!"Lumingon ako sa likod ko, and there she is! Lumilipad-lipad sya pabalik sa'kin. At nagsama pa ng dalawa pang salaginto.
'Yung isa, color blue ang buhok tapos puti ang dress na suot niya. 'Yung isa naman, mukhang rakista. Color red ang buhok tapos itim ang damit. Ibinalik ko ang tingin k okay Luella pagkatapos kong pagmasdan 'yung dalawang hamster na kasama niya. "Sino sila?"
"Sila ang matatalik kong kaibigan. Sila Calista at Neesha" Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa dalawa. Mukha naman silang mababait at approachable.
"Nakasisiguro ka bang mabait sya, Luella?"
"Hindi kaya may masama syang pinaplano sa'tin?"
"Baka naman alagad sya ng mga Arentsvelt"
"O di kaya, Arentsvelt sya talaga"
Inilapit ko ang mukha ko sa kanilang dalawa na lilipad-lipad lang sa harapan ko. "Kung makapag-judge kayong dalawa kayo parang wala ako sa harapan niyo ah,"
Napaatras silang dalawa at mukhang natatakot sa'kin. Pfft. Ang cute! "Sino sa inyo si Calista at sino si Neesha?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa and they still both look scared.
"Hihihi. Huwag kayo matakot. Mabait si Alexis"
I shifted my glance at Luella kaya natigilan sya at natahimik. Bakit ba sila natatakot sa'kin eh wala naman akong gagawing masama sa kanila.
"A-ako si Calista" Inilipat ko ang tingin sa daga na kulay blue ang buhok. Ngumiti ako sa kanya pero imbis na mawala takot niya, nagtago pa sya sa likod nung rakistang paru-paro at itinulak palapit sa'kin. "A-ako naman si Neesha" Wow! In fairness ang gandang pangalan nun para sa isang rakistang bubuyog ah.
"Hello" I greeted them back. Puno pa rin ng pagdududa ang mga mata nila kaya tumalikod na ako sa kanilang tatlo at nagsimulang maglakad-lakad.
"Alexis sandal!" Lumipad sa harap ko si Luella kaya naman huminto ako. "Bakit?" Tanong ko. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Aalis na ako. Dito ka nakatira diba? Kaya iiwan na kita dito," Dahil doon sa mga nakita ko sa tree house at sa gitna ng Atwood at Oldewood, mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para libutin itong kabilang mundo. Pero bago ko gawin 'yun, mas mabuti sigurong kausapin ko muna si Lucian.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.