Chapter 42

127K 5K 1.2K
                                    

                  

"Nakakainis! Argghh—aww!"

"Waaa! Ayos ka lang ba Alexis?"

"Mangmang talaga"

"Sipain ba naman ang haligi ng bahay"

Ang sakit ng paa ko leche! Bakit ba kasi ang tigas ng pader? Argghh! Nakakabadtrip!

Padabog kong isinara ang pinto ng apartment at saka tinignan 'yung tatlong kuto ng masama. "Huwag niyo akong bwisitin, baka hindi ko kayo matantsang tatlo, isasangag ko kayo" mataray na sambit ko.

Bwisit na mga bampira at salamangkera at salamangkero 'yun, hina-highblood ako.

"Waaaa bakit ba mainit ang ulo mo Alexis? Ano bang nangyari?" Lumipad sa may balikat ko si Luella kaya kaagad ko syang inalis at isinabit sa isang pako na nakausli sa may pader ng bahay. Mainit ang ulo ko ngayon kaya ayoko ng makukulit. Iika-ika akong naglakad palapit sa may kama para humiga. "Arghh!" I shouted and threw my pillows.

"Hindi kaya may masamang nangyari doon sa lugar na tinungo niya? Ano nga ba ang tawag sa lugar sa iyon Calista?"

"Hindi ko mawari kung tama ang aking pagkakatanda, ngunit sa pagkakaalam ko ay ahmm, Publishing Mouse?"

"Ahhh oo tama! Magaling din pala ang iyong memorya. Ano nga kaya ang nangyari sa mangmang na ito roon?"

Binato ko ng unan 'yung dalawang daga na tsismisan ng tsismisan "Anong Publishing Mouse?" tanong ko habang tumatawa.

"Mali ba?" Nagtatakhang tanong ni Calista at saka tumingin sa palakang katabi niya. "Pinagmumukha yata tayong mangmang ni Alexis, Calista" Mas lalo akong natawa dahil tumitingkad na naman ang pagkapula ni Neesha, sensyales na napipikon na naman sya.

"Mangmang naman talaga kayo" Nakangiting sabi ko.

"Ano ang iyong tinuran?"

"Huwaaaa! Pinagsasalitaan tayo ng masama ni Alexis"

"Luella! Tulungan mo naman kami, inaapi kami ni Alexis"

Pinagmamasdan ko sila habang tinutulungan nilang umalis si Luella sa pagkakasabit sa pako sa pader. Buti pa 'tong tatlong bulate na 'to. "Hayy!" Mabilis na nawala ang mga ngiti ko nung maalala ko na naman ang nangyari sa pagpupulong. Pati ang mga memories namin nila Samara at Eureka na magkakasama noon sa college naalala ko rin.

"Ano'ng gagawin niyo kapag nalaman niyong tinraydor kayo ng mga kaibigan niyo?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Sabay-sabay silang tumingin sa'kin ng nakakunot ang mga noo.

"Napaka-imposible namang mangyari niyan. Kung magiging traydor lamang din naman pala, iyan ay hindi na maituturing na isang tunay kaibigan"

"Tama! Kailanman ay hindi ko iyan maiisipang gawin 'yan sa aking mga kaibigan"

"Pero kung sakaling maging traydor ang mga kaibigan niyo ano ang gagawin niyo? Tapos nalaman niyo pa na may masama silang pinaplano sa pinakamamahal niyo" Seryosong tanong ko.

"Hindi ko na sila bibigyan ng mga sariwang katas ng mga bulaklak kung ganon" Nagsimulang umiyak si Calista pagkatapos niyang sabihin iyon.

Inilipat ko ang mga tingin ko kay Neesha na pulang-pula na sa galit. What the heck?! I've seen her before pero hindi ganitong ka-pula. I mean, this is the first time na makita ko syang galit na galit. "Hinding-hindi ko sila mapapatawad kung ganon. Kaibigan ko sila, pinagkatiwalaan ko sila, ngunit—ngunit nagawa  nila akong traydurin, tapos pati ang pinakamamahal ko pagtatangkaan pa nila ng masama? Ano bang nagawa kong masama para gawin nila sa'kin iyon? Gagawin ko ang lahat upang makaganti sa kanila" Nakakuyom pa ang mga kamao ni Neesha habang galit na galit na sinasambit ang mga katagang iyon. Mukhang masyado syang nadala ng emotions niya.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon