Nakalabas na kami sa Devil Square kanina pa, kaya napagpasyahan kong mag-ikot-ikot at libutin ang Dementum. Hindi ko naman pwedeng isama sila Lucian dahil hindi sila pwedeng masikatan ng araw. Kaya itong tatlong hamster na lang ang isinama ko.
Nasa tuktok ako ng isang mataas na bundok dito sa Dementum.Pinapanuod ko ang paglubog ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, at maraming huni ng hayop kang maririnig. The view is completely different sa mundo ng mga tao. Creepy sounds coming from different creatures and spine-chilling environment. But apart from that, the feeling in my heart is not different. It was like my soul was attached to this place, a place where I belong. It feels like home.
Pati ang ang malalim na pananalita na-adapt ko na. At malapit ko na ring ma-adapt ang ka-abnormalan nitong tatlong tuko.
"Ano kayang tinitignan ni Alexis doon"
"Marahil ay iniisip niya ang pandarayang ginawa niya kanina sa loob ng Devil Square"
"Huwaa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung ano'ng ginawa ni Alexis at nagawa niyang matalo ang iba't-ibang grupo ng mababangis na nilalang kanina"
"Maging ako rin naman Calista"
"Hayan na naman kayong dalawa, mamaya magagalit na naman sa'tin si Alexis"
"Pawang katotohanan lamang naman ang sinasabi namin Luella, maging ikaw ay saksi rin sa mga pangyayari kanina"
Naglakad ako patungo sa cliff ng bundok upang maupo. Hindi ko pinapansin 'yung tatlong gagamba kahit na ang kakapal ng mga pagmumukha nilang pagtsismisan ako kahit alam naman nilang naririnig ko sila.
"Alexis! Ano'ng gagawin mo? Huwag mong sabihing magpapatiwakal ka?"
"Isa ka talagang mangmang! Kahit naman nadaya ka kanina sa Devil Square ay tanggap ka namin kung ano ka pa"
"Huwag mong ituloy ang iniisip mo—"
Tiningnan ko ng masama 'yung tatlong salagubang at saka itinaas ng bahagya ang kanang kamay ko hanggang sa magkasing-level ito ng balikat ko. "Flammo" A ball of fire appeared above my palm na ikinagulat nila. Dali-daling nagtago sila Neesha at Calista sa likod ni Luella kaya muntik na akong matawa.
"Balak pa niya tayong pasalangin"
"Napakasama mo talaga sa amin Alexis. Ano bang nagawa namin sa'yo at palagi mo na lamang kaming inaapi" Huwaw! Kung makapagsalita 'tong rakistang bubuyog akala mo hindi nila ako inaapi. Mas lalong naging matingkad ang pagkakulay pula ng buhok niya kaya natawa ako. "Wag kang magalit Neesha, natatawa ako sa itsura mo dahil mas nagmumukha kang rakistang bulate sa paningin ko"
Mas lalo syang nainis kaya mas tumingkad pa ang kulay ng buhok niya. "Hahahaha kwentuhan niyo na nga lang ako, para naman may silbi 'yang mga pagiging tsismosa nyo dyan" Pag-iiba ko ng usapan.
"Tungkol saan naman?" Tanong ni Luella.
"Uhmm, tungkol dito sa Arentsvelt" Sagot ko. Ibinalik ko na ang tingin sa pinagmamasdan kong paglubog ng araw. "May araw rin pala dito sa Arentsvelt 'no. Akala ko kasi palaging madilim dito" Wika ko.
"Ang totoo niyan, tatlong beses lamang sa isang siglo kung magpakita ang araw dito sa nasasakupan ng Arentsvelt. At nagkataong, natyempuhan na'tin ngayon"
"Talaga?" Wow! Ang astig. Kaya naman pala sanay na sanay na ang mga nilalang dito sa dilim. "Ano pa? Kwentuhan niyo pa ako" Gusto kong malaman ang lahat.
"Ako na lang ang magsasalaysalay ng mga nalalaman ko!" Nakataas ang kamay ni Calista at mukhang excited na mag-kwento.
"Sige" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.