Chapter 30

116K 5.2K 709
                                    

"Taos-puso akong nagpapasalamat at pinaunlakan mo ang aking paanyaya Prinsesa Alexis" Nakangiting bati ng Reyna kay Prinsesa Alexis pagkatapos nilang dalawa magyakapan.

"Wow bonding moment pala namin 'to ng in-laws ko!"  Komento ko at saka ako tumawa ng mahina habang pinapanuod silang dalawa. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang isang pares ng mga pulang mata na mayroon sya. Kaparehas na kaparehas nung babae sa hidden dungeon ang mata niya. Na nanlilisik at parang galit kahit mahinahon. Walang duda na iisa nga sila.

"Maligayang kaarawan po Reyna Freya, tanggapin nyo po ang munti kong regalo sa inyong kaarawan" Ang galang ko naman pala talaga noon. Hindi ko mapigilan na mapangiti nung abutin ni Reyna Freyna ang iniabot ni Prinsesa Alexis pagkatapos ay tumingin si Alexis sa nasa tabi lamang niya na si Lucian my labs. "Oh diba?! Bagay na bagay talaga kayo," Nakangiting papuri ko.

"Maraming salamat, ngunit hindi ka na sana nag-abala pa" Nakangiting sagot ng reyna. "Ang pagdalo mo pa lamang sa kaarawan ko ay isang napakagandang regalo na"

Parehas kami ng naging reaksyon ni Prinsesa Alexis dahil sa sinabi ng reyna, sabay kaming natawa at nahiya. May pagka-bolera pala 'tong mama ni Lucian, hindi agad ako na-inform para nakapag-prepare rin ako ng mga banat lines.

Magkakasabay silang tatlo na pumasok sa loob ng isang grandosong function hall. At syempre as always, sumunod ako. Sa gilid pa nga ni Lucian my labs ako pumwesto eh. Bale nasa gitna namin syang dalawa ni Prinsesa Alexis.

Naunang bumaba ng malaki at magarang hagdan si reyna Freya. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung paano nagsiyuko ang lahat ng bampira sa ibaba at nagbigay galang.

Ngumiti ako nung ipakilala ni Queen Freya si Prinsesa Alexis sa lahat ng dumalong bampira. "Nais kong ipakilala sa inyo ang minamahal ng aking anak na si Prinsipe Lucian. Ang nag-iisang tagapagmana ng ikaapat na henerasyon ng Queinsvile, Prinsesa Alexis Queinsville" Muling nagsiyuko ang mga bampira habang naglalakad pababa ng hagdan sila Lucian at Prinsesa Alexis.

Natulala pa ako nung una dahil ganitong-ganito 'yung scene na nakita ko sa party noon sa mga Arentsvelt. Kaya naman pala pamilyar sa akin ang ganoong eksena. Tumakbo ako pababa ng hagdan habang kakaway-kaway sa mga bampira kahit na hindi naman nila ako nakikita.

Sinubukan kong pakinggan kung may mga tsismosa rin na nagtsi-tsismisan tulad nung nakita ko sa birthday ni Prinsesa Alexis. At nakakatuwa sa pakiramdam na ganito kainit ang pagtanggap nila sa isang wizard.

"Ikinagagalak kong makilala ka Prinsesa Alexis" Malugod na bati ni Kindred nung tuluyan na makababa sila Prinsesa Alexis at Lucian my labs sa hagdan. "So nagkakilala na rin pala kami noon ni Kindred" Bulong ko habang nakasubaybay lang sa mga kaganapan. Nandito rin sila Narkissa at ang kanyang ina na. "Maligayang pagdating sa kaharian ng Arentsvelt mahal na Prinsesa Alexis. Cornelia Vartouhi, and inyong lingkod" She bowed like a princess na nakahawak pa sa magkabilang tabi ng magarbong gown na suot niya.

"Gaspar, pakihanda ang silid na tutuluyan ng mahal kong Prinsesa"

**

Ang buong akala ko, sa kabilang mundo ang kwartong tinutukoy ni Lucian. Pero dito pala sa mundo ng mga tao ang ibig sabihin niya.

"Ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito" Bulong ko habang nakatingin kila Prinsesa Alexis at Lucian. Nakaka-miss talaga ang earth.

Hindi ko pinagsisisihan na nanatili ako dito ng mahabang panahon Dail maraming bagay akong natutunan dito. Natuto akong tumayo sa mga sarili kong paa, at lumaban upang mabuhay.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon