Chapter 46

143K 3.5K 1.1K
                                    

Ipinagbawal ang pagpapapasok ng ibang nilalang ngayon dito sa Queinsville, hanggang matapos ang kompetisyon sa pagitan ng mga wizards ay ganito ang sistema. I don't know, siguro ayaw nilang magkaroon ng vampires dahil kung tutuusin kahit sila ang mga kauri ko ay di hamak na mas napalapit ang loob ko sa mga bampira.

Naglalakad ako sa isang hallway, maraming mga salamangkero at salamangkera ang nagkalat. Don't get me wrong pero hindi ako VIP dito, kahit aware ang ilan sa matataas sa kanila na anak ako nina King Wenceslaus at Reyna Azaria ay hindi nila ako tinatratong Prinsesa. Mga dep*ta diba? Hindi ko alam kung nahihiya ba sila sa'kin, naiintimidate sa kagandahan ko, or baka naman ayaw lang talaga nila sa'kin.

Hindi ko na inaabala ang sarili ko na tingnan sila dahil kahit sa peripheral vision ko, nakikita ko ang bawat nadadaanan kong salamangkero at salamangkera na nagbubulungan. Ano pa bang ieexpect ko? Eh kahit naman sa nakita kong scene nung birthday ko noong may memories pa ako, pinagtsi-tsismisan na talaga ako ng mga 'yan.

"Excuse me. Anong oras mag-uumpisa ang paligsahan?" Tanong ko sa isang kawal na nakita kong nakatayo lang sa isang tabi.

Nainis ako dahil imbis na sagutin niya ako ay tinalikuran niya ako na parang walang narinig. "Tarantula! Ilan ba likers nito sa FB at ang lakas makapagpa-peymus?" Tanong ko dun sa tatlong flying ipis.

"Alexis, huwag ka ng mangarap na papansinin ka ng mga salamangkero at salamangkera dahil lihim nilang ipinag-utos sa lahat na putulin ang anumang pakikipag-unayan sa iyo" Nakakunot ang noo kong tinignan si Luella nung marinig ko ang sinabi niya.

Ano bang trip 'yan? Bakit naman kailangan ganun. "Pati simpleng pagtatanong bawal?" Tinignan ko 'yung kawal nung mapansin kong sumulyap siya sa'kin kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata "Sino nag-utos sainyo na huwag akong kausapin?" Diretsong tanong ko. I am not surprised nung ibahin niya uli ang direksyon ng tingin niya at balewalain ang tanong ko.

Lumapit ako sa kanya at saka itinaas ng bahagya ang kaliwang kamay ko "Flammo" I whispered. A ball of fire appeared three centimeters above my left hand. "Hindi ako magdadalawang isip na tustahin ka ng buhay gamit ang apoy na 'to kapag hindi mo pa ako sinagot" Pananakot ko sa kawal. Nag-uumpisa na akong mainis dahil patong-patong na ang mga katanungan sa utak ko.

For the nth time dineadma na naman ako ng walanghiyang kawal.

Tinalikuran ko na siya.

But before I turned my back, I threw the ball of fire at him. I can clearly hear him, screaming in agony while I am walking away. May ilang kawal din ang tumakbo palapit doon sa papeymus na kausap ko kanina. I don't think they can undo my spell.

"Alexis nahihibang ka na ba? Ano ba iyong ginawa mo?"

"Huhuhu nakakatakot ka Alexis"

"Huwag ka ngang mangmang Alexis, baka mamaya tanggalin ka pa nila sa kompetisyon dahil dyan sa mga ginagawa mo"

Huminto ako saglit para tingnan ng masama 'yung tatlong butiki

"Kung nababaliw ako, ano pang tawag sa kanila?" I asked pertaining to all the Mystic Theurage at sa lahat mga nakikisali sa kanila. Di hamak naman na mas malala ang tama nung mga 'yon.

"Alexis" Lumingon ako nung makarinig ako ng pamilyar na boses. "Tito uncle!" I shouted, sinamahan ko pa ng kaway para with feelings, eh kasi naman ang layo niya sa'kin. Akala ko ba hindi siya sasali dito? Pero kung sabagay, mabuti na rin naman para may kakampi ako dito.

Mabilis akong naglakad palapit sa kanya. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan kami ng mga salamangkera at salamangkero na talaga namang ang sasarap sungalngalin.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon