Naglalakad ako sa mall since wala naman akong work ngayon dahil sa party. Window shopping, 'yan lang naman kaya kong gawin ngayon eh. May pera namang binigay sa'kin ang mga Arentsvelt para sa paunang bayad, kaso lang kasi—"Wow, ang ganda ng gown" Never in my entire life akong nakapagsuot ng gown.
Hindi ko din naranasang mag-celebrate ng debut, bakit pa diba? Kaysa aksayahin ko pera sa party, ipambibili ko na lang makakain ko sa araw-araw.
Pumasok ako sa loob ng boutique ng mga gowns. Kahit wala akong intention na bumili. Hindi naman siguro masamang magtingin dito sa loob. "Kung meron lang sanang free gown, why not." Bulong ko habang tinitignan ang isang long-gown na kulay
"Congratulations Ma'am!" Nagtakip ako ng tenga nung may mga confetti poppers akong nadinig. "What the fudge?" I am so annoyed dahil ang sakit sa tenga.
"Anong meron?" Naka-kunot ang noo ko habang tinitignan ang mga saleslady na nakapalibot sa'kin. "Hi Ma'am, kayo po ang pang 100,000 customer na pumasok dito sa loob ng boutique namin for this month." I arched my left eyebrow when I heard that, "And so? Sorry mga Miss, pero hindi ako customer, kasi hindi naman ako bibili," Paalala ko. As I was saying a while ago, wala naman akong balak bumili, magtitingin lang ako ng gowns.
"It doesn't matter Ma'am kung bibili kayo o hindi, ang importante po kayo an gaming lucky winner for this month" Kanya-kanyang silang bati ng 'congratulations', 'ang swerte-swerte nyo po Ma'am' at kung anu-ano pa.
Is this real? I mean, how come na nanalo ako. Am I that lucky? "Ma'am pumili na po kayo ng gown," Feeling VIP ang peg ko dito dahil ipinakita pa nila sa'kin ang mga stocks ng gowns nila. Seriously? Kahit free lang 'to ganito talaga ang treatment?
Alexis, opportunity na 'yan na magka-gown. Papalampasin mo pa ba?
**
Nakatingin ako sa malaking gate ng pamilya Arentsvelt. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito ng naglalakad lang. Ayoko din namang palampasin 'tong party 'no. Saka isa pa, sayang naman ang libreng gown kanina sa mall kung hindi ko magagamit.
I'm also sure na puro mayayamang tao ang nandito dahil ang lalaki ng villas at mansion na pinagdalahan namin ng invitations.
And speaking of mayayaman, siguro naman makakakilala ako dito na pwedeng mag-produce ng story ko into movie. Aish. Ang taas naman yata masyado ng pangarap ko. Pero who knows diba?
Lumingon ako sa mga bagong dating. "I knew it! Buti na lang at sinunod ko ang motif ng party" Black! Oh well, hindi ko naman talaga nabasa na color black ang motif. Napansin ko lang ang color ng invitation na pinamigay namin ni Lucian is black.
Mukhang hindi nagkakalayo ang age namin nitong isang group ng babae na nagtatawanan papalapit. "Hi" Nakangiting greet ko sa mga dumating. They stared at me, at leche! Nakaka-intimidate ang tingin nila sa'kin.
Tinignan ko ang black gown na suot-suot ko, before ko ulit sila tignan. Do I look like a social climber? Kahit naman kasi hindi nila sabihin. Parang 'yun 'yung gustong ipahiwatig ng mga tingin nila sa'kin. "Ahh sorry, I thought you were someone else" Palusot ko. Lumusot naman dahil umalis na din sila. Naisip ko lang naman kasi na maybe I can blend with the other visitors, para hindi ako mapansin nila Sir gaspar, Dred or Lucian.
Matagal-tagal din akong nandito sa labas. I don't know kung may inaantay ako. Oh come on! Syempre timing lang ang hinihintay ko, para makapasok sa loob. Bawat dumadaan kasi tumitingin sa'kin. Sige na, sila na mayaman, sila na may friends, ako na ang forever alone dito.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.