Samara prepared something na pwede kong kainin habang hinihintay namin na dumating si Eureka. Ayaw niya kasing mag-explain ng wala dito si Eureka. Inihabilin ko na dalhin dito 'yung libro nung mama ni Lucian. Itinakas ko kasi 'yun nung gabing 'yun kaya nasa bag ko ang libro. Si Lucian, tahimik lang na nakatayo sa may sulok ng fireplace at tahimik na nakamasid.
Nung matapos akong kumain ay dumiretso ako sa isa dalawang magkatabing bookshelf para i-check ang mga books. "Bakit ganito?" TInignan ko ang iba pang libro. Kung hindi mga tinta na nagkalat, ay mga pages ng libro na puro walang sulat.
Tumigil ako saglit sa pagbabasa ng libro nung bumukas ang pinto. Hindi hyper na Eureka ang pumasok ng pinto. Para syang nasapian dahil magalang niya akong binati, "Kamusta po Lady Alexis, Lord Lucian" Nag-bow pa sya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
"Bakit walang laman ang mga pages nitong mga books?" Tanong ko. Habang pinapakita sa kanila ang mga pages ng libro.
Nagkatinginan sila Samara at Eureka kay tumaas ang kilay ko. "Samara, Eureka. Gusto kong malaman ang lahat," May awtoridad na wika ko at saka humanap ng komportableng silya para upuan. Agad na lumapit si Samara at Eureka para ayusin muna saglit ang silya. "Ganito ba talaga sila kaasikaso?" I darted a glance at Lucian, seeing him nodded once with his eyes fixed at mine. "Oo"Narinig kong sumagot sya sa isip. Actually hindi ako sanay ng ganito, but what can I do? I think masasanay na rin ako.
Pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan ay binuksan ko ulit ang libro at inilapag sa ibabaw ng lamesa na nasa harap ko.
"For the nth time. Bakit walang sulat ang mga pages ng libro dito? Ganito rin ang nakita mga libro sa bookshelf ni Gynweilla at sa library ng mga Arentsvelt" Hindi sila sumasagot kaya ibinalik ko ang tingin k okay Lucian. Wala pang isang segundo ay nasa likod na nilang dalawa si Lucian at hawak sa magkabilang batok. I saw fears in their eyes, pero hindi sila lumaban. Omyghad! In all fairness ang hot ni Lucian sa itsura niya ngayon.
Ugh! Ano ba 'yang mga iniisip mo Alexis!
"P-pero Lady Alexis, lalabagin namin ang pinangako namin sa'yo kapag—"
Tinaasan ko ng kilay si Eureka kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. "Ako rin naman ang nag-uutos ngayon na tulungan niyo akong maalala lahat. Ano ang paglabag doon?" Totoo naman ang sinasabi ko diba? Althugh, hindi ko naaalala. Ako pa rin naman ang bumabawi ng mga sinabi ko. Kaya wala naman sigurong masama.
"Ngunit Lady Alexis, kaya nyo po inalis ang memorya ng lahat ng nilalang ay upang pigilan ang digmaan"
"And so?" I asked in annoyance. Mula panaginip ko, hanggang ngayon ayan ang paulit-ulit na nakikita at naririnig ko. Medyo nakakasawa na rin. "Kaya nga kinakausap ko kayo ngayon. Gusto kong paghandaan ang mga consequences kapag bumalik ang memories ko. At isa pa, gusto kong tulungan nyo ako" Umalis na si Lucian sa likod nila at mabilis na bumalik sa pwesto niya kanina nung wala kaming narinig na pagtutol mula kila Samara at Eureka.
Samara gulped, bago niya ako tinanong. "Sigurado po ba talaga kayo?" Paniniguro niya. "Oo" Tipid na sagot ko while looking straight into her eye. "Kung 'yan po ang gusto niyo mahal na prinsesa, Alexis" Malugod na sagot ni Samara. Wow! Hindi ko alam kung kailan ako masasanay na tawagin at igalang ng ganito. Aba leche! Si Aling Fatima kung masigaw-sigawan lang ako nun araw-araw tapos dito gumaganito na ang peg ko.
After few seconds ay nag-umpisa na si Eureka na mag-kwento. At habang nagke-kwento sya. Parang unti-unti rin nagfa-flash sa isip ko ang mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.