Chapter 41

124K 5.5K 1.3K
                                    

                  

"Mukhang malapit na akong maniwala sa inyong dalawa. Tila nga may kakaiba kay Alexis, kahapon pa sya ganito"

"Sabi naman kasi sa'yo Luella, ikaw lamang naman ang hindi marunong making sa mga tinuturan naming dalawa ni Calista"

"Ngunit naniniwala pa rin akong hindi mangmang si Alexis" Lumingon ako sa tatlong butiki na kanina pang pinagtatalunan ang pagiging mangmang ko. Akala yata nila tulog pa ako. Hindi nila alam kanina pa ako gising at nag-iisip.

Napatawa ako sa sinabi ni Luella, pati tuloy ako napapaisip. Hindi nga ba talaga ako mangmang? Siguro 'yung dating Alexis oo, pero ngayon? Asa pa silang lahat! Psh! Gulat na gulat silang tatlo nung gumalaw ang libro na malapit sa kanila. Pfft. Nagiging stress reliever ko tuloy ang pangti-trip sa mga palaka.

"Huwag kayong aalis dito ah?" Baka kasi pumunta si Lucian babes tapos hanapin ako, alam niyo naman 'yun. Miss na miss ako lagi. Pero nasaan kaya sya? Kahapon ko pa 'yun hindi nakikita eh.

"Aalis ka ulit?" Tumango ako sa tanong ni Luella. Lumapit ako sa may stove para magpainit ng tubig.

"Ngunit saan ka tutungo?" Kasunod na tanong niya. "Ahmm, dyan lang. Saglit lang naman ako, babalik din ako kaagad" Sagot ko. Ayokong sabihin sa kanila kung saan ako pupunta syempre baka sabihin nila kay Lucian bebe eh hindi naman niya alam ang tungkol doon.

"Maaari ba naming malaman kung saan ka pupunta?" Tanong ni Luella kaya nilingon ko sya habang hinihintay kong kumulo ang tubig. "Bakit?" taas-kilay na tanong ko, ayoko ngang sabihin sa kanila eh. Ang dadaldal pa naman nilang tatlo.

"Baka kasi tanungin kami ni Lord Lucian, huhuhu, tiyak na sa amin magagalit iyon kapag wala kaming naisagot" Kung sa bagay. May point nga rin naman ang uod na 'to.

"Sige sabihin niyo pumunta ako sa uhmm—sa publishing house, nagsubmit ng story" Pagsisinungaling ko, although may plano naman talaga akong bumisita sa publishing company para magsubmit, kaso hindi pa naman tapos 'yung story na ginagawa ko kaya wala pa akong isa-submit.

Okay lang naman na iyon ang palusot ko dahil wala namang alam si Lucian babes sa mga pag-publish ng story. Hehe. Malay ba niya kung nag-submit talaga ako o hindi diba?

"Huwaaaa! Marami bang mga sariwang bulaklak sa pupuntahan mo?" Nagniningning ang mga mata ni Calista at mukhang hindi ko gusto ang iniisip niya. Parang trip pa niyang sumama sa'kin ah.

"Wala 'no! Puro mga papel at libro ang nandoon. At saka isa pa, nagmemerienda ng mga fairies ang mga tao na nandoon"

"Huwaaaa! Nakakatakot pala ang mga tao sa publishing house"

"Waaaaa!"

Natawa ako dahil sa reaction nilang tatlo. Sino ngayon sa'ting apat ang mangmang? Sumipol na ang takure na may lamang tubig na pinakukuluan ko kaya tumigil na rin ako sa pang-uuto sa kanila.

"Eh kalian ka babalik?" Tanong ni Neesha.

"Aabutin ka ba ng bukang-liwayway?" dagdag pa ni Luella

"Waaa masarap at sariwa ang mga katas ng bulaklak kapag bukang-liwayway" Tuwang-tuwa na sabi ni Calista.

"We'll see, pero hindi ako aabutin ng madaling araw 'no! Sobrang tagal naman masyado nun. Mga ilang oras lang siguro" Sagot ko. Isinalin ko ang mainit na tubig sa mug at saka nagtimpla ng kape.

Wala naman akong planong magtagal dun. Gusto ko lang talaga alamin kung anu-ano ang mga plano nila. Basta hindi ako makakapayag na na alisan nila kami ng forever ni Lucian babes!

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon