Feeling close ba talaga ako kahit kailan? Bakit sa dinami-dami ng pwede kong higaan sa kandungan pa niya. "Ikaw?" tanong ko kay Reyna Freya hoping to hear the words I want to hear para hindi ko na kailangan i-clarify pa ang tanong ko. Nagtakha ito so I therefore conclude na hindi niya na-gets ang tanong ko. "Ang alin aking prinsesa?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kandungan niya.
I stared at her for a few seconds bago nagtanong. "Ano'ng kinalaman mo sa pagkamatay ni mama?" wrong move, I think mali ang choice of words ko sa pagtatanong. I should never forget na matalino ang kausap kong reyna kaya kailangan kong ayusin ang mga itatanong ko.
She smiled at me and looked down before answering my question, "Pinatawan siya ng parusang kamatayan dahil pinagbintangan siyang pumaslang sa akin." Paliwanag nito. Saglit kong tinignan ang mga mata niya. Ako lang ba talaga? O feeling ko emotionless talaga siya? Kahit naman kasi ano'ng emotion ang ipa-feel niya sa'kin thru her words ay hindi ko maramdaman 'yun everytime na titingin ako sa mga mata niyang pulang-pula at nanglilisik.
Kinuha ko ang isang kamay niya upang hawakan and also to make her feel secure. "Naniniwala ako sa mga sinasabi mo sa'kin Reyna Freya, at may tiwala ako sa'yo. Kung kaya't mayroon akong tanong" Ngumiti ako nung tumingin siya sa mga mata ko. She seems to be curious about what I am going to ask.
"Ano iyon, aking prinsesa?" tanong niya.
Inalala kong muli ang mga sinabi niya sa'kin nung una kaming magkita at magkausap dito sa hidden dungeon.
"Nakikiusap ako Prinsesa Alexis. Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa pag-uusap na'tin. Huwag na huwag kang magtitiwala kahit na kanino... maliban sa akin at sa kanya,"
Right! She intentionally did not mention any name na dapat kong pagkatiwalaan bukod sa kanya.
"Sino 'yung isang tao na dapat kong pagkatiwalaan bukod sa iyo? Hindi ba nabanggit niyo po iyon sa akin the last time we spoke? Gusto ko sanang malaman para hindi na ako nanghuhula. You know, medyo mahirap na po kasing magtiwala nowadays." nakangiting tanong ko, at the same time hindi ko inalis ang seriousness sa tono ng pagtatanong ko.
Sinagot niya ako ng isang halakhak na nakakaloko, tila ba aliw na aliw at mukhang expected na niya na itatanong ko iyon sa kanya.
"Batid kong dama mo kung sino ang tinutukoy ko, aking prinsesa" She's right! I know exactly that she's pertaining to no one else but Lucian. Pero kailangan kong marinig iyon mula sa kanya so I could finally decide and make my first move.
"May ideya ako pero mas okay po siguro kung sa inyo manggagaling para makasiguro akong tama ang nasa isip ko." Sagot ko.
"Naiintindihan ko. Kung kaya't para hindi ka na rin mag-hinala ay babanggitin ko na. Ito ay walang iba kung hindi si Lucian." I glanced at the wristlet. This is where little Alexis put the potions that we made and it has been tied on my wrist since then.
Shoot! Does it mean na totoo ang lahat ng nangyari?
I shifted my gaze at her and smiled.
Habang pinagmamasdan ko si Reyna Freya ay rumehistro sa isip ko ang propesiya.
Ang propesiya na dahilan ng lahat. Ang propesiya na pinaniniwalaan ni mama at ng lahat ng nilalang dito sa kabilang mundo.
Sa ikaapat na kabilugan ng buwan,
Ng ikaapat na siglo ng ikatlong henerasyon.
Sa pagkakataong iyon,
Isang sanggol na babae ang pumukaw ng atensyon.Lulubog ang araw sa silangan at sisikat sa kaliwa,
Magbabago ang ikot ng mundo nang dahil sa dalawa,
Kasabay ng pagtugtog ng musikang pagdadalamhati at awa,
Digmaan at ritwal ay isasagawa.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.