Chapter 44

89.9K 3.6K 466
                                    

"Hanggang dito na lamang ako" ngumiti ako kay Morfran. I've learned na mabuting nilalang naman pala siya, hindi lang talaga siya palangiti. Malakas ang ihip ng hangin kaya humalukipkip ako. Ang lamig!

"Thank you ah, mabait ka naman pala" I smiled at him, pero mukhang tinurukan talaga ng botox ang mukha niya dahil wala man lang siyang reaction. "Mag-iingat na kayo sa susunod. Kung sakaling kakailanganin ninyo ang tulong ko, alam niyo naman kung saan ako maaaring puntahan" paalala niya. Hindi ko alam kung magdududa ako sa kabaitan niya eh. Pero wala naman sigurong dapat ipagduda, ito na nga oh sinamahan na kami dito sa Thyme. Duda pa more pa ba ako?

"Salamat uli" nakangiting sagot ko.

Tumalikod na ako pero nagsalita na naman siya. "Mag-iingat nga pala kayo sa mga elves" nung lumingon ako para tingnan siya ay naglalakad na siya palayo.

"Neesha, ano'ng sinasabi ni Morfran na mag-iingat sa mga elves?" Humarap ulit ako at pinagmasdan ang Thyme. On the first glance, aakalain mong nasa harap ka ng Atwood dahil puro puno, mga halaman at bulaklak lang naman ang nakikita ko. But I am wondering kung ano 'yung parang luminous light sa loob ng Thyme. But since madilim pa, iniisip ko na baka isang place lang 'yun tulad ng Welsh Isle na may mga naninirahang nilalang.

"Naninirahan kasi ang mga elves dito sa Thyme. Sa loob ng Alfheim"

"Oh eh bakit mag-iingat sa kanila? Eh dadaan lang naman tayo diba? Wala naman tayong balak makitulog, makikain o kung anuman dyan sa Alfheim na 'yan?" tanong ko. I started walking kahit hindi pa sumasagot 'yung tutubi. Parang normal na kagubatan lang naman pala itong Thyme, hindi masukal at mukhang wala ring mababangis na hayop dahil tahimik naman ang paligid. Kahit madilim ang nilalakaran namin at puro tunog ng tuyong dahoon na naaapakan ko ang naririnig ko ay hindi naman ako nakakaramdam ng takot.

"Mangmang ka talaga, wala bang mga elves sa mundo ng mga tao?" tanong niya. Tinignan ko ng masama 'yung daga na lumilipad at sumasabay sa'kin. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" Inis na tanong ko.

May paminsan-minsan akong napapalingon sa kanang bahagi namin. Tanaw kasi mula rito ang isang mala-paraisong lugar na nagliliwanag, 'yan na nga siguro ang Alfheim. Sossy naman pala ang mga elves dito, ang ganda ng tirahan. Gusto ko sanang ayain 'yung langgam doon kaso wala na kaming oras para sa stop overs kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Kung sabagay ano nga naman ang alam ng isang katulad mong mangmang"

"Kung hilingin ko kaya kay Djinn na mapaaga ang pagkamatay mo?" Nakangising tanong ko sa kanya.

"Napakawalang-puso mo talaga huhuhu. Akala ko ba magkakampi tayo?"

Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay nagsalita ako tungkol sa pagkakakilanlan ko sa mga elves. "Sa mundo ng mga tao, ang mga duwende nakatira sa nuno sa punso, hindi sa gantong kalaking gubat. Ibig bang sabihin dito sila nakatira?"

"Ano ang nuno sa punso?" Lumipad pa siya sa harap ko para itanong 'yan. "Doon kita isisilid kapag nagtanong ka pa,"

Napangiti ako nung matanaw ko na ang dulo ng nilalarakan namin. "Saglit na lakaran lang naman pala itong Thyme. Si Morfran may pagka-OA. May pa-ingat-ingat pang nalalaman" Natatawang sabi ko.

I stopped the moment we've reached the exit, "Nakalabas na ba tayo?" I asked, sounding a little disappointed and confused because I really am.

"Hindi rin ako nakakasiguro"

Hindi ko sigurado kung nakalabas kami dahil pare-parehas ang tinitingnan ko kanina sa entrance ng Thyme, at ngayon.

For the second time, nag-umpisa ulit akong maglakad with my head full of thoughts na sana nagkakamali lang ako ng iniisip. I never spoke a word hanggang sa may matanaw ulit akong exit. "Nakikita mo 'yon Neesha?" I asked without breaking my stare at the exit. This is weird, no, this is insane. It's the same exit I saw kanina.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon