Chapter 11

146K 6.5K 820
                                    

Narrator's PoV

Sinundan ni Lucian ng tingin si Alexis hanggang makaalis ito. "Huwag na huwag mo ng lalapitan si Lady Alexis!" Banta ni Eureka.

"Tss" Hindi mababatid sa kilos at pananalita ang lungkot na nadarama niya. At ang kagustuhan na ipaalam kay Alexis ang katotohanan. Pero dahil ang mga nangyari kay Alexis ay sarili niyang desisyon at kagustuhan, walang magawa si Lucian kung hindi hayaan sya.

Ilang saglit pa ay isa-isang nagsulputan ang mga kauri ni Lucian na sila Leandro, Hades at Cronus kaya napaatras si Eureka. Akmang susunggaban ni Leandro at Cronus si Eureka nung pigilan sila ni Lucian "Tama na 'yan" Nakalabas pa ang mga matatalas na mga pangil ni Leandro at Cronus nung huminto sila at tumingin kay Lucian.

Takot na takot si Eureka. Hindi ito ang unang beses niyang makatagpo ng mga bampira kaya mas lalo 'yun nagdulot ng takot sa kanya. "Eureka!" Sumulpot si Samara sa tabi ni Eureka.

"Dei deaeque te invoco. Portal apparere" Pagkatapos mag-chant ng spell ni Samara ay nalipat silang lahat sa ibang lugar. Isa sa pinakamagagaling na wizard si Samara dahil si Alexis mismo ang nagturo sa kanya noon.

Nagkatinginan sila Leandro, Cronus at Hades sa biglang pagbabago ng lugar. Saka lang nila naisip na mga wizards ang kaharap nila.

Matatalim ang tingin ni Samara sa mga nilalang na nasa harap nila. "Ano na naman ang kailangan nyo? Nananahimik na kami. Ibinigay na namin sa mga kauri inyo ang pamumuno sa kabilang mundo kaya ano pang kailangan nyo bakit ginugulo nyo na naman kami?"  Matapang na pahayag nito.

Ang kabilang mundo na tinutukoy nila ay ang mundong pinagmulan nila. Nahahati noon ang other world at pinamumunuan ng dalawang magkaibang uri ng nilalang. Ang liwanag/puti na sumisimbulo sa mga wizards, at ang kadiliman/itim na sumisimbulo sa mga vampires. Pero bukod sa kanila may iba't-ibang uri pa nilalang ang naninirahan doon.

Tinignan nito ng matalim si Lucian, "Nanghihimasok ka na naman sa buhay ni Lady Alexis, ano pa ba kailangan mo?"

Hindi nagustuhan ni Leandro ang tono ng pananalita ni Samara kaya akmang susugurin nya ito nung hawakan sya ni Lucian. "Leandro" May awtoridad ang tono ng pananalita ni Lucian kaya 'yung kaninang tila mabangis na lion at galit na galit na si Leandro ay biglang naging kalmado.




"Wala akong planong iwan si Alexis" May diin ang binitawang salita ni Lucian. "Ngunit wala rin akong planong sabihin sa kanya ang totoo. Kaya makakaasa kayong wala syang malalaman" Alam ni Lucian na iyon lang naman ang gusto ng mga tagabantay ni Alexis. Ang magkaroon ng mapayapang pamumuhay si Alexis sa mundo ng mga tao.

Nagkatinginan sila Eureka at Samara. Alam nilang kahit ano sabihin nila hindi rin sila susundin ni Lucian.  Tumungo silang dalawa tanda ng paggalang. Si Lucian ang nag-iisang tagapagmana at susunod na magiging hari ng other world kaya kahit labang sa kalooban nila ay kailangan pa rin magbigay-galang.

"Dei deaeque te invoco. Portal apparere" Bumukas ang panibagong portal sa gitna nila, at saka walang imik na pumasok sa portal sila Samara at Eureka.

**

Ang dulo ng portal ay dumiretso sa tapat mismo ng bahay nila sa Kriemhild, isang tagong bayan sa other world. Wala na ang dating kaharian ng mga wizards, dahil sa nangyaring digmaan noon. Sinakop ng mga bampira ang buong kaharian. Iilan na lang ang mga natira kaya dito sila namalagi.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon