We're all walking slowly dito sa nkakapangilabot na Oldewood. At tulad nga ng sinabi ni Lucian, hindi sya sumama. Naiwan din kasama niya 'yung tatlong bulate. "Kapag usapang pisikal, mabibilis ang mga katulad naming bampira. Ngunit, lamang ka sa mga ordinaryong bampira na katulad namin dahil nakakagamit ka ng mga elemento, kamahalan. At iyon ang dapat nating sanayin" Tumingin ako kay Lark. Hindi ako sanay kapag ganyan sya. When he's being serious, parang hindi bagay. But wait. "Did you say kamahalan?" Kanina tinawag nila akong Lady Alexis, ngayon naman tinawag ako ni Lark na kamahalan.
Natawa silang tatlo while I am guessing kung ano ang iniisip nila. "So naniniwala na kayo?" Kasi diba as far as I remember, kahibangan ang tawag niya sa mga ikinwento ko. "Opo, naniniwala kami" Magalang na sagot ni Chiara. Well, I can't deny the fact na magaan ang loob ko sa kanila, kahit sabihin pa ng iba na hindi kami magka-uri.
Pabilis ng pabilis ang lakad nilang tatlo until I can't no longer see their movements. "Where the heaven are you?" I asked habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid. "Nandito ako" I heard Lark's voice na bumulong sa right ear ko kaya mabilis akong lumingon. But he's not fcking there! "Nandito ako Lady Alexis" This time boses naman ni Claudia ang bumulong sa kaliwang tenga ko. At tulad ni Lark, hindi ko rin nakita si Claudia nung lumingon ako.
"Dito" Narinig kong may nagsalita right in front of me and if I'm not mistaken, boses ni Chiara 'yun. Shit! "Pinagti-tripan niyo ba ako?!" Asar na tanong ko. "I don't have time for shitty stuffs like this. Kaya tigilan nyo na ako and let's get going, bago pa ako mainis sa inyo" Banta ko, but none of them listened to me. I can hear their voices pero hindi ko naman sila makita.
"Hindi ka maaaring gumamit ng salamangka dito sa Oldewood, ngunit maaari kang gumamit ng mga elemento"
"Alam mo na kung papaano makipag-isa sa elemento ng hangin kamahalan. Bakit hindi mo subukang gamitin" Narinig kong sabi ni Lark. Yeah right, I guess I can do that. I closed my eyes and feel the soft wind breeze blowing against face. Katulad kanina, pinakiramdaman ko ang enerhiya na dumadaloy sa katawan ko.
Ilang saglit pa naramdaman ko na ang enerhiya sa katawan ko, ang lakas ng enerhiya na nagmumula sa hangin. Iba ito sa nangyari kanina nung tinuturuan ako ni Lucian. Siguro dahil pangalawang beses ko na 'tong ginawa.
"Nararamdaman mo na ba kami?" Nalipat ang atensyon ko sa kanilang tatlo. "Mararamdaman mo kami dahil ikaw at ang element ng hangin ay iisa" Dugtong ni Lark sa tanong ni Claudia. At tama sila, unti-unti kong nararamdaman ang kung saan sila mabilis na gumagalaw. And from being fast, nagiging slow motion na ang bawat kilos nila at nasusundan ko na. Shit! This is amazing. I grabbed Claudia's wrist nung dumaan sya sa right ko. At saka ko iminulat ang mga mata ko.
"Mahusay! Ang bilis mong matuto kamahalan" Puri ni Claudia.
"Sunod, ikaw naman ang kumilos ng mabilis" I frowned and gave them a do-I-look-like-a-vampire look. "Maaari mo ring gamitin ang elemento ng hangin upang maging kasing bilis ng mga bampira ang iyong kilos"
"Gaya nga ng sinabi namin, di hamak na mas makapangyarihan ka sa amin dahil maaari kang gumamit ng iba't-ibang elemento"
Sinubukan kong sabahayan ng kilos ko ang ihip ng hangin. Sa una, nahihirapan pa ako dahil ngayon ko lang 'to ginawa, pero hindi rin nagtagal pagaan ng pagaan ang katawan ko, hanggang sa para na rin akong hangin.
"Ngayon ay maaari na nating simulan ang pangangaso"
**
We're jumping from tree to tree. Di hamak na mas mabilis sila sa'kin, pero mas nakakasabay na ako sakanila ngayon hindi katulad kanina. This is the safest way para maghanap ng target. Dahil nasa ibaba ang mga mababangis at nakakatakot na nilalang.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.