Mag-aalas tres ng hapon nung magising ako sa alarm clock na sinet ko talaga bago matulog para maaga akong magising. Patapos na ang araw para sa ibang tao, pero ang sa'kin mag-uumpisa pa lang. Yes, tulad nga ng sinabi ko, maaga para sa'kin ang alas tres para gumising kaya antok na anok pa ako. Kailangan ko kasing humanap ng trabaho ngayon. Part-time job kumbaga. Mahirap din naman kasing maging full-time writer, lalo na kung wala namang ideas na pumapasok agad sa isip mo.
Naligo agad ako nagbihis bago pa ako mapag-sarahan ng mga establishments.
"Sana may mahanap akong part-time job na pwede sa gabi." Walang emosyong sabi ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Ilang beses na din naman kasi akong nag-try na magtrabaho sa call center. Yan lang naman kasi madalas ang nag-o-offer ng trabaho na night shift na walang halong kalaswaan. Ang iba kasi, ugh. Moving on, ang problema sa call center hindi ko na kaya pag nagpalit na ng day shift. Sinubukan ko na ding baguhin ang body clock ko. Pero wala eh, talagang bumabalik at bumabalik ako sa pagiging gising sa gabi.
**
"Miss Salvador right?"
"Yes po."
"Uhm, alright so pwede ka ng mag-start bukas na bukas. Make sure to be here before 8 in the morning."
"Po?" Tama ba pagkakarinig ko? 8 in the morning.
Ngumiti muna 'yung babae sa harap ko. "I said, pwede ka ng magsimula bukas ng umaga. Before 8 in the morning dapat nandito ka na." Pag-uulit nya habang abot tenga ang ngiti sa'kin.
I don't want to over react. Kaya sumagot na lang ako "Sige po." I said. Kahit ang totoo, wala naman akong planong bumalik bukas ng umaga. Mahirap i-explain para sa mga taong may normal na tulog. Pero para sa'kin, torture, dahil pag tinanggap ko ang trabaho, magtatrabaho ako ng walang tulog.
Pagkalabas ko ng establishment ay itinapon ko ang piraso ng papel na inabot sa'kin para sa mga kailangan pang isubmit daw na requirements.
It's almost 7 in the evening pero hindi pa din ako tumitigil sa pag-iikot-ikot at paghahanap ng company na nag-o-offer ng night jobs.
Naupo ako sa tabi ng magtitinda ng mga yosi, candies, at palamig para bumili ng sampung pisong palamig at magpahinga saglit habang ipinapaypay sa sarili ko ang brown envelope na hawak ko na puno ng resume. Rush hour, kaya sobrang dami ng mga nag-uuwian sa paligid. Pati ang kalsada siksikan dahil sa mga sasakyan. Buti pa 'tong mga taong 'to, may mga trabaho.
Tahimik lang akong nakamasid sa mga tao nung mapatingin ako sa may pedestrian lane. Mabilis ang harurot ng mga sasakyan doon dahil naka go signal kaya madaming na-stuck na tatawid. Ako kaya saan naman ako pupunta?
Tumayo ako at naglakad palapit sa may pedestrian lane, doon naman siguro ako sa kabila maghahanap ng job vacancies.
Habang nag-aantay na tumigil ang mga mabibilis na sasakyan ay may biglang sumulpot na lalaki na mabilis maglakad at mukhang tatawid sa kabilang kalsada.
"Kuya saglit!" Pigil ko sa kanya. Tumigil sya pero hindi nya ako nilingon. "Kuya na naka black na jacket, magpapakamatay ka ba?" This time, humarap na sya sa'kin ng nakakunot ang noo. Tinitigan nya ako kaya tinitigan ko din sya. Wala ba sya talagang planong umalis doon? Tumingin sya sa kaliwa't kanan, mukhang unsure pa sya na sya ang kausap ko. "What?" I asked kasi hindi man lang sya umaalis sa pagkakatayo nya doon.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.