Chapter 31

113K 5.4K 924
                                    

"Kapag napatunayan namin na totoo ang mga paratang sa inyo mahal naming Reyna, ipagpatawad nyo ngunit kailangan namin kayong hatulan ng kamatayan" Makahulugan ang pagkakasabi ni Professor Scarlett. But hell! Ano sa tingin nila ang ginagawa nila? Reyna ng Queinsville ang kausap nila! Tapos ganyan sya magsalita?

"Naiintindihan ko. Ngunit katulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, wala akong kasalanan" Lumapit ako sa kinaroroonan ni mama. Nasa loob kami ng isang hukuman at ang ina kong reyna ang nililitis.

"Mahal na reyna, maaari mo bang isalaysay sa amin ang mga nangyari noong magkita kayo ni Reyna Freya?" Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid.

Unang tingin pa lang sa mga wizards na nandito ay alam ko ng malalakas sila. Maybe they are the Mystic Theurage and the High wizards. At hindi lang mga wizards ang nandito dahil pati mga bampira na kauri ni Lucian ay nandito rin sa loob ng hukuman.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga bampira. Nandito si Loki, Cronus, Kindred, Cornelia, Leandro, Hades, King Lazarus, pati na rin ang iba pang mga bampira na hindi ko naman kilala. At syempre nandito rin ang pinakamamahal kong si Lucian.

Nasa magkabilang bahagi nitong hukuman ang mga wizards at vampires.

"Tumungo ako roon kasama sila Mystic Theurage Seamus Brock, Mystic Theurage Mikael Grimswald, Mystic Theurage Gynweilla Mrinal, at High Wizard Samara Friggs. Kasama ni Reyna Freya ang ibang bampira. Gumawa ako ng isang uri ng ritwal upang magkausap kami ng pribado at walang sinuman sa mga kasama namin ang makakarinig ng pinag-usapan..."

"Maaari mo bang sabihin sa harap naming lahat kung ano ang inyong napag-usapan ng mahal na Reyna Freya?"

"Ipagpaumanhin nyo, ngunit nangako ako na anuman ang mangyari ay walang ibang makakaalam ng aming pinag-usapan"

Nag-umpisa ang mga bulung-bulungan as always. Kaya lumapit ako sa harap mismo ni mama. "Huwag mo silang pansinin mother. Kung ano ang tingin mong tama go lang ng go"

"Ngunit paano namin malalaman kung ano ang tunay na nangyari kung hindi nyo isasalaysay ang buong pangyayari"

"Asus! Para-paraan mong gago ka! Sinabi na nga ng mama ko na ayaw niyang sabihin diba? Saka hello?! Secret nga eh! Oh ano gusto pa ipangalandakan niya sa inyong lahat ang pinag-usapan nila ni Queen Freya? Tsk tsk. Hina-highblood nyo ko. Ugh!" Isang-isa na lang 'tong nagtatanong na 'to babanatan ko na talaga.

"Gaya nga ng sinabi ko kanina, wala akong balak na isiwalat kung anuman ang aming napag-usapan" Nahati sa gitna ang table na nasa harap ni King Lazarus dahil sa lakas ng pagkakahampas nito. Ano naman kaya ang inaarte-arte ng isang ito? "Anong itinatago mo sa amin Reyna Azaria. Bakit ayaw mong ihayag kung ano ang inyong napag-pulungan?"

Inilipat ko ang tingin ko kay mama na nasa harap ko lang. "Wala akong itinatago sa inyo. Ayoko lang sirain ang pangako ko sa yumaong Reyna Freya" Kalmadong sagot ni mama kay King Lazarus.

"Kung ganoon, maaari mo bang sabihin sa hukumang ito kung sino sa tingin mo ang maaaring pumaslang kay Reyna Freya?" Diretsong tanong nung lalaki.

"Wala akong ideya kung sino" Mabilis at walang bahid ng kasinungalingan ang sagot ni mama. "Sa iyong mga naging kasama mahal na Reyna Azaria? Wala ka bang pinaghihinalaan sa kanila?" Inilipat ko ang tingin ko sa mga salamangkero at salamangkera na binanggit ni mama para tingnan ang mga magiging reaksyon nila.

"Wala. Hindi nararapat na manghusga ako ng sinuman lalo't wala akong sapat na pruweba" Sus! Alam ko na kung kanino nagmana ng katangahan si Prisesa Alexis. Parehas lang naman pala sila nito ni mama. Psh! Nakakainis kasi wala akong magawa! Alam kong nasasaktan si mama sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Kung meron lang sana akong magagawa...

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon