Chapter 43

108K 4.1K 991
                                    




       

"What?!!! Are you fvcking serious?!!" Bulyaw ko kay Neesha. Kakabalik lamang niya dito sa mundo ng mga tao at hindi ko nagustuhan ang balitang dala niya.

"Kung hindi ka ba naman kasi mangmang Alexis, pipili ka lamang ng kaibigan, bakit 'yung katulad pa nila na may kasamaan naman pala ang pag-uugali?"

Pinasadahan ko ng masamang tingin 'yung rakistang bubuyog. "Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa kabaitan at kabutihan ng ugali mo" Natatawang sagot ko. Pero agad ding nawala ang mga ngiti ko nung maalala ko kung ano ang ibinalita niya sa'kin.

"Mabait naman talaga ako—"

"Neesha, sa tingin mo ba ay desidido talaga silang ituloy 'yung pina-plano nila? Balak ba talaga nila akong pagtulungan? Wala ka man lang bang nakitang concern, or kahit awa man lang sa mga nila nung sinasabi nila 'yun? Lalo na si Bes at Samara?" Silang dalawa ang matagal kong nakasama dito sa mundo ng mga tao, magagawa ba talaga nila na traydurin ako?

"Gusto mong makita kung ano'ng nangyari kanina?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. "May replay?" Sossy pwede naman pala 'yun, nagpakahirap pa syang i-kwento sa'kin. Saka dapat live nalang akong nanunuod. Pero kung sabagay, tama rin naman na hindi na. Masyadong masakit kung makikita ko pa mismo at maririnig na sinabi nila iyon. "Maaari naman, ngunit sa sarili mong salamangka"

"Speaking of, sa tingin mo ba kakayanin ko silang talunin? Lalo na sa paligsahan ng mga salamangkero at salamangkera. Paniguradong pinaghandaan nila iyon. At bukod pa dun, wala akong alaala kaya kung icocompare ang kahusayan ko sa salamangka ay di hamak naman na lamang sila sa'kin, diba?" Tanong ko sa hamster.

"May punto ka riyan Alexis, kung ako rin ang nasa posisyon mo ay mangangamba ako kung may tsansa ba akong panalo" Siraulo 'tong dagang 'to, parang alam ko iniisip nito kung bakit ganun ang isinagot sa'kin. "Wag mo akong subukan rakistang uod ah, baka hindi kita matantsa! Akala ko ba magkakampi na tayo?!"

"Magkakampi nga, kaya nga pinababatid ko sa'yo ang aking saloobin, dahil ako ay isang tunay na kaibigan. Kaysa naman sinisiraan kita kapag nakatalikod ka hindi ba?"

Tss. "Point accepted, so ano nga?"

"Bakit ako ang iisip ng paraan?"

"Alangan namang ako? E diba mangmang ako sabi mo? Feel na feel mo naman pagiging matalino, edi sulitin mo na. At isa pa, wala ako masyadong alam sa mundo niyo 'no"

"Kung sabagay, tama ka ulit" Tignan mo 'to. Talagang agree sya sa sinabi ko ah.

"May naiisipan akong paraan, ngunit hindi ba masyadong mapanganib?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, mukhang nilalait na nitong uod na 'to ang buong pagkatao ko sa isip niya. "Ano 'yun?" Tanong ko.

"May isang lugar sa Limehild kung saan matatagpuan ang isang makapangyarihang nilalang na nagngangalang Djinn, maaari kang humiling sa kanya, ngunit isang kahilingan lamang ang maaaring matupad nito"

"Djinn?" I asked curiously. Tumango lang sya kaya nagtanong ulit ako. "Seriously? Kahit anong hilingin ko? Example, hihilingin kong gumanda, sumexy, yumaman--"

"Isang kahilingan lamang ang kayang tuparin"

"Oh edi yumaman na lang! Maganda naman na ako saka sexy, kaya hindi ko na kailangan iyon"

"Hindi na kita sasamahan"

"Ano?!! Bakit naman hindi?! Grabe ha! Pagkatapos mong sabihin ang tungkol kay Djinn papaasahin mo lang pala ako. Kung sabagay, uso naman talaga ang mga paasa nowadays. Pero ano ba! Chance ko na 'tong humiling tapos--"

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon