Padabog akong tumayo sa kama nung makarinig ako ng sunud-sunod na katok. Napakamot na lang ako ng ulo dahil ang aga-aga may nang-iistorbo sa tulog ko."Alexis!!" Patuloy sa pagkatok ang may-ari ng maliit na kwartong inuupahan ko. Kaya naman nagmadali na akong tumayo para pagbuksan sya ng pinto.
"Ano ho ba 'yun Aling Fatima?" Walang ganang tanong ko saka sinulyapan ang relos na nakasabit sa dingding ng apartment. Mag-aalas singko pa lang ng hapon pero tila ba fully charged pa din sa pagka-hyper si aling Fatima.
"Hapon na. Nasaan na ang pinangako mong bayad sa upa ng bahay? Pati ang bill ng tubig at kuryente hindi ka pa nagbabayad. Nako Alexis ha." Patuloy pa din sya sa pagtalak habang kiinakapa ko ang bulsa ng pants ng suot ko. Alam ko may naitabi pa akong isang libong piso dito eh. Nasaan na ba—ayun. "Ano 'to?" Tanong nya pagkakuha nya ng isang libo mula sa'kin.
"Uhm bayad po?"
"Aba aba! Dalawang buwan ang utang mo Alexis. Tapos isang libo lang ang ibabayad mo?"
"Uhh aling Fatima, pagkatapos po nung librong ginagawa ko promise babayadan ko po kayo, kasama na ang pang-limang bwan."
Pinaningkitan nya ako ng mata. At ilang segundong nag-isip bago sumagot. "Siguraduhin mo ha."
"Opo."
Isinara ko ang pinto at saka huminga ng malalim at inilibot ang mata ko sa maliit na apartment na tinitirahan ko. Kahit maliit itong apartment, nandito lahat ng kailangan ko. May maliit na kama, isang lamesang maliit. Isang upuan, maliit na aparador, may maliit na banyo, maliit na lababo at higit sa lahat nandito ang computer na ginagamit ko para sa trabaho.
Kumuha ako ng isang piraso ng tinapay sa supot na nakapatong sa maliit na lamesa. At nagsalin ng mainit na tubig sa nag-iisa kong black na mug para magtimpla ng kape. Kung hindi ako kinatok ni Aling Fatima kanina ay malamang alas syete pa ako ng gabi gigising.
Kagat-kagat ko ang tinapay at hawak hawak ang mug na may kape nung naupo ako sa harap ng computer. Ipinatong ko sa tabi ng monitor at saka ko Isinuot ang reading glasses para para masimulan ko ng gawin ang istoryang ipapasa ko. Yes I am Alexis Salvador, 23 years old. BS Information Technology graduate, and a writer.
Mahilig akong magsulat, pero mostly action or humor ang pinagtutuunan ko ng pansin. Pero ang totoo? Favorite ko ang fantasy na genre. I always dream to make a story related to fantasy. Siguro 'yun 'yung isa sa masasabi kong dream ko talaga. Plus the fact that I have a deep fascination with vampires. Lahat na yata ng tungkol sa vampires alam ko. Kaya yata pati pagtulog ko nag-iba na. Sa gabi na ako gising, at sa umaga tulog. Seriously, may konek ba 'yun?
Sampung minuto na akong nakatitig sa harap ng MS word na hanggang ngayon blangko pa din.
Once upon a time there lived a...
Dinelete ko ang hindi ko pa natatapos na sentence. Bakit parang ang baduy ng naiisip ko. Para namang gagawa ako ng fairytale para sa mga bata. Isinubsob ko ang ulo ko sa lamesa na pinagpapatungan ng monitor ng computer. At saka pumikit.
"I planned each charted course~
Each careful step along the byway,
And more, much more than this,
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.