Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa harap. Tahimik na tahimik ang buong paligid dahil kami lang dalawa ang nandito sa loob ng classroom. "Ano bang nangyari?" Tanong ni Lucian. Nakaupo sya doon sa upuan nung pakialamerong lalaki kanina. "Ahh wala, nanaginip kasi ulit ako"
"Ano napanaginipan mo?"
"Yung tungkol sa mga libro na nakita ko sa library nyo. Tapos yung tungkol sa mga nawawalang sulat. Alam kong hindi ganito noon. Imposible. Lahat ng 'to nangyayari lang dahil wala akong maalala at isa pa—"
"Tama na" Tumayo si Lucian kaya kumunot ang noo ko. "Huh?" Anong tama na ang sinasabi nito? Nagpapa-kwento tapos patitigilin ako. Psh. Napaka-moody. "Ayoko ng marinig ang mga susunod. Mabuti pang sarilinin mo na lang 'yan" What the?
Naglakad na sya palayo kaya dinirty finger ko sya habang nakatalikod sya sa'kin. "K fine! Siraulo!" Hiyaw ko.
**
"Maligayang pagbabalik Alexis"
"Nalinis na namin ang buong bahay Alexis"
"Hindi kami mapapaslang ng prinsipe ng kadiliman dahil mabubuti kaming mga fairies"
I gave the three flying cockroaches a bored look habang naglalakad papasok dito sa bahay ni Claudia. "Hayy! Nakakapagod!" Wika ko as I threw myself on a chair.
"Paano ka napagod eh diba Icrolux de vil naman ang dormitoryo mo. Ibig sabihin isa kang mangmang. Kaya paniguradong wala ka namang ginawa sa klase"
Hinuli ko ng kamay ko si Neesha at saka ko hinawakan na ulo lang niya ang nakalitaw sa kamay ko. "Pitikin ko kaya 'yang ulo mo" Banta ko sa kanya. She's trying to pull herself out of my grip pero sa liit niya at sa hina ng mga kamay niya imposible namang makawala sya sa kamay ko.
"Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan"
Tingnan mo 'tong lokong daga na 'to. Nasa bingit na ng kamatayan ayaw pang itigil ang mga sinasabi.
"Neesha, huwag mo na kasing iniiinis si Alexis" Sabi naman ni Luella habang kinakalma si Neesha a hawak-hawak ko pa rin hanggang ngayon. Wala naman akong balak saktan sya. Para lang matuto.
"O sige na. Kahit totoo ang mga sinasabi ko, kunwari na lang hindi" Hindi ko alam kung matatawa ako kay Neesha o maiinis ako eh. Inalalayan sya agad nila Luella at Calista nung bitawan ko sya.
"Sabi ko naman sa'yo Neesha, makabubuting magsinungaling paminsan-minsan" Payo ni Calista. Isa pa 'to eh. Pag-untugin ko silang dalawa eh.
"Nasaan pala si Claudia?" Pag-iiba ko ng topic. Nagkatinginan silang tatlo at medyo kaduda-duda ang mga tingin nila.
"Kasama ni—" Mabilis na pinigilan ni Calista si Neesha. "Ang sabi ni Claudia, huwag daw sabihin kay Alexis na kasama niya si Loki. Muntik mo na masabi!"
Napailing na lang ako. "Oo nga muntik mo ng masabi sa'kin na kasama ni Claudia si Loki" Nanlaki ang mga mata nilang dalawa at saka sila sabay na sabay at gulat na gulat na nagtanong.
"Papaano mo nalaman?!"
"Hinulaan ko lang" Walang ganang sagot ko sakanila. Gusto kong matawa dahil sa reaction ng mga mukha nila. Binatukan silang dalawa ni Luella. "Syempre wizard si Alexis kaya nahulaan niya" Umiling-iling na lang ako at saka tumayo para iwan sila. Ayokong aksayahin ang oras ko dito sa mga 'to. Dahil masisiraan ako ng ulo kapag itong tatlong sisiw ang kausap ko.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.