Chapter 39

99K 5K 790
                                    

I stretched my arms after waking up. Mag-a-alas onse pa lang ng umaga. Antok na antok pa ako dahil kanina lang naman ako natulog alas sais. Pinilit ko talagang gumising ng maaga ngayon dahil gusto kong pumunta sa mansion ng mga Arentsvelt ng hindi alam ni Lucian.

Ito ang isa pang dahilan kaya gusto kong dito sa mundo ng mga tao magsanay dahil nandito sa mundo ng mga tao si King Lazarus pati na rin ang bago nitong asawa at si Narkissa. Kung hindi ako nagkakamali ay ikakasal si Lucian kay Narkissa sa kabilugan ng buwan dito sa mundo ng mga tao.

There's a time difference between the earth and the other world kung kaya't mas mauuna ang kabilugan ng buwan dito kaysa doon sa kabilang mundo. Akala ni Lucian magagawa niya akong gaguhin? Akala ba niya hindi ko alam na dito sila ikakasal? Psh! Humanda sa'kin ang babaeng paniki na 'yun. Subukan lang niyang agawan ako ng ka-forever, bubunutin ko ang mga pangil niya.

-Flashback-

Napagpasyahan kong bisitahin si Queen Freya sa hidden Dungeon bago ako tuluyang bumalik sa mundo ng mga tao. "Dito ka na lang ako na lang ang papasok sa loob, pero kung gusto mong mamatay sumama ka narin" Pagbibiro k okay Lucian pero alam niyo naman 'tong babes ko beastmode lagi kaya hindi tumatanggap ng joke. "Joke lang! Ito naman napaka-seryoso" Natatawang sabi ko.

Yeah, alam ko na ngayon na si Queen Freya ang nasa nakita ko sa loob ng Hidden Dungeon dahil nakumpirma ko mismo it okay Lucian.

Ngunit hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano at sino ang nagkulong kay Queen Freya dito sa loob ng Hidden Dungeon. Sinubukan ko na ring tanungin si Lucian tungkol dito pero hindi niya rin daw alam.

Isa lang naman ang tanong na bumabagabag sa'kin ngayon eh.

'Yun ay kung bakit ang lalim kong magsalita?

Okay back to reality. Ang buong akala ng lahat patay na si Queen Freya, hindi nila alam na ginawa lang pala syang isang masama at nakakapangilabot na itim na sorsera at saka ikinulong dito sa loob ng Hidden Dungeon para hindi mapuntahan ng mga kauri niyang bampira.

Kung iisipin mong maigi, masyadong matalino ang gumawa nito sa kanya dahil naisip niyang gawin 'yun. There's no doubt na isang malakas at makapangyarihang wizard ang gumawa noon sa kanya. But the question is, sino? Or sinu-sino?

Hanggang sa makaakyat ako sa tuktok ng hidden dungeon ay patuloy ako sa pag-iisip. "Recludam" Sambit ko sa puting ilaw na animo'y may dumadaloy na maliliit na kuryente na nagsisilbing rehas ng bawat daanan ko. Ilang ganito pa ang dinaanan ko bago ako dumating sa lugar kung saan naka-piit si Queen Freya.

Mabilis syang naglaho at sumulpot sa harap ko. I bowed my head as a sign of respect. "Kumusta na po kayo Queen Freya?" Casual na tanong ko. Pulang-pula at nanlilisik ang mga mata niya. "Aking prinsesa" Ngumiti sya sa'kin pero hindi pa rin nawawala ang panlilisik ng mga mata niya. Kung sabagay kahit sa mga panaginip ko ganito talaga ang mata niya.

"Nandito po ako para magpaalam saglit. Babalik po kasi muna ako sa mundo ng mga tao para magsanay" She held my hands at saka nag-umpisang lumuha. Napaka-emotional pala nitong mother-in-law ko. "Nagawa mo na ba ang mga pinapagawa ko?" Tanong niya. Kahit pulang-pula ang mga mata niya ay punung-puno ng kalungkutan ang mga mata nito.

I looked straight into her eyes before speaking "Malapit na po. Sa oras na maging reyna po ako ng Queinsville ay magdedeclare po ako ng war sa pagitan ng mga Wizards at Vampires" Paninigurado ko.

-End of Flashback-

Now I need to know kung ano ang nangyari noon at kung bakit gustong ipapatay ni Queen Freya ang sarili niyang hari.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon