Nakaupo ako sa kama at may katabing ballpen at papel sa right side habang inililipat ko ang pahina ng libro na puno ng mga pangalan na hawak-hawak ko. Mayroon talaga akong binili na libro ng mga names para if ever na gagawa ako ng story ay mas madali mag-isip ng mga ilalagay kong names.
I used my name 'Alexis' sa ginagawa kong story ngayon since never ko pa naman syang nagamit. And now I have to think of a name para sa male lead.
Vladimir
Drake
Sebastian
Jasper
Damien
Marius
Warren
Sa dami ng naisulat kong name, mas lalong hindi ko alam kung anong pangalan ang gagamitin ko. Tumayo ako at bumalik sa harap ng computer para umpisahan na ang second chapter.
It was in the middle of the night while she was typing the continuation of her story when the light suddenly shut off. The girl screamed...
"Parang ang baduy naman yata pag biglang sumigaw." Pinress ko ang backspace para idelete ang screamed at pinalitan ng 'sighed and went out to continue the story outside.'
I started to smile while thinking of the things that might happen on the story, "Pwede sila sigurong mag-meet nung bidang lalaki. Habang brown—"I stopped, literally before letting out a loud sigh nung biglang mawalan ng kuryente. Hindi ako takot sa dilim so that's an advantage kaya hindi ako nagpapanic agad. Although takot ako sa mga multo, pero wala pa naman akong nakikita kahit isa, kaya ayos lang.
Kinapa ko ang cellphone ko na kung hindi ako nagkakamali ay nasa ibabaw lang dapat nitong—ayun! Inilawan ko ang paligid para madali kong makita ang notebook at ballpen ko. I have no choice but to go outside para maituloy ko ang ginagawa ko dahil brownout. Ito ang hirap sa mga katulad kong sa gabi gising.
Ala una y media na ng madaling araw nung tignan ko ang oras sa cellphone ko. Mabagal akong naglalakad sa kalye namin. Sanay na sanay na akong maggala sa gabi. Actually, mas naeenjoy ko talaga ang gabi kaysa sa araw. Buti na lang at full moon, kaya maliwanag ang daan kahit walang streetlights. At buti pa ang mga kapitbahay namin tulog na tulog na. Ni hindi man lang sila aware na nag-brownout. Samantalang ako, heto at gising na gising pa.
Naglakad ako sa ilalim ng buwan hanggang makarating ako sa plaza. Agad kong tinungo ang swing para maupo at mag-isip.
Habang iniisip ko ang story na ginagawa ko ay biglang sumagi din sa isip ko ang mga nangyari simula kanina. "Weird." Bulong ko habang natatawa. I just realized na may pagkakatulad ang mga nangyayari.
"Meow."
Muntik na akong mahulog sa swing sa pagkagulat ko sa pusa na ngayon ay nasa may paanan ko. Nag space out ba ako kaya hindi ko napansin na may pusa.
"Wait you look familiar." Inilagay ko sa lap ko ang notebook at ballpen para kuhanin ang pusa at tignan. "Ikaw yung pusa kanina." Sabi ko sa pusa. Okay, ako na ang nangangausap ng pusa.
"Hindi ka ba natatakot na mag-isang nandito sa plaza?" Lumingon ako sa kanan, and saw a man sitting right next to me. Nakaupo sya sa swing na katabi ng inuupuan kong swing.
"Kanina ka pa ba dyan?" I asked out of curiosity kasi hindi ko naman napansin ang pagdating nila. Oh well siguro dahil busy ako sa pag-iisip idagdag mo pa na walang streetlights, so liwanag lang talaga ng buwan ang nagsisilbing ilaw.
BINABASA MO ANG
Writer's Block
FantasyA fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.