Epilogue

20K 820 363
                                    

"I was born, not only to rule the Other World but also to tell stories, our story."
-Queen Alexis Queinsville

Alexis sighed heavily as she massaged her head. Sa wakas, tapos na. Makakapagpahinga na siya nang maayos.

"Okay na ba? Maganda ba?" tanong niya sa lalaking katabi niya. "Ipi-print ko na, ah?"

Nasa harap sila ng isang computer dahil ipi-print na ni Alexis ang last chapter ng kwentong isinulat niya. Bukas na ang deadline na ibinigay sa kanya ng publishing company na bumili ng publishing rights ng istorya na ginawa niya.

Matagal na sanang tapos na ang kwentong isinusulat niya, kung hindi lang sana nakikialam ang lalaking kasama niya. Kaya naman, nakailang ulit din siya ng ending.

Ngunit ngayon ay hindi ito magpapatalo, gusto niya ang ending ng kwento kaya iyon ang ipi-print niya. At wala ng makakapagpabago ng isip niya.

Sinamaan siya ng tingin ng lalaki. "Isusumbong kita sa mahal na Reyna Azaria. Bakit siya naman ang ginawa mong masama rito sa kuwento mo?"

Natawa si Alexis sa reaksyon ng kasintahan niyang si Lucian na ngayon ay nakasimangot. Tila hindi na naman niya nagustuhan ang obra nito.

"Ano ka ba naman Lucian babes? S'yempre fiction lang 'yan. Alam naman nating hindi totoong masama si mama, hindi ba?"

Pero mukhang hindi pa rin kumbinsido si Lucian base sa kaniyang reaksyon. "Ibahin mo na lang kaya?" mungkahi nito.

Pinaningkitan naman ito ng mga mata ni Alexis. "Alin ang iibahin ko? Itong ending? Hello?! That's almost 10 thousand words tapos uulitin ko na naman?"

Kumunot ang noo ni Lucian, "10 thousand?" saglit itong nag-isip.

"Ano ba 'yan! Ang tagal mo na rito, 10 thousand lang, hindi mo pa alam?"

"Ikaw lang naman ang mahilig makipag-usap sa mga tao." Palibhasa'y palaging si Alexis ang humaharap sa ibang tao dahil baka may matakot sa pangil niya kung sakali mang lumabas.

"Okay na 'yan! Ang ganda nga, eh. Hindi mo ba nagustuhan?" pangongonsensya niya sa nobyo.

"Maganda! Hindi lang ako sanay na ganyan ang ugali ni Queen Azaria kahit sa kwento lang 'yan. Pinatay mo pa ang aking ina. At isa pa..." Nahihimigan ang tampo sa boses ni Lucian.

"At isa pa ano?"

"Ano'ng papel ko r'yan sa kwento mo? Bakit tila ba wala akong dulot?"

"Oh, sige, buburahin ko na lang," pagsuko niya nang makonsensya.

Nang ibabalik niya ang tingin sa computer at biglang tumawa ang binata. "Biro lang, mahal ko. Alam ko namang masidhi ang pagmamahal mo sa akin. Naiintindihan kong sa kwento lang iyon."

Upang matapos ang pagtatalo nila ay tumawa na lang si Alexis at hindi pinansin ang sinabi ng kanyang kasintahan. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi naman pala ito galit.

Mabilis niyang pinasadahan muli ang kwentong isinulat niya. Tungkol iyon sa kanilang kaharian, at sa kaharian na kinabibilangan ni Lucian, ngunit ang mga nakasulat doon ay kabiktaran ng lahat ng kaganapan ngayon sa mundo nila.

Kaya hindi na siya nagtaka kung ganoon ang naging reaksyon ni Lucian. Pilit nitong pina-iiba ang wakas ng kwento because it does not make sense.

Kumpara sa kanilang mundo, mas mabilis ang takbo ng oras dito, nagpapabalik-balik sila sa mundo ng mga tao habang tinatapos ni Alexis ang libro niya, that explains why she knows so much about a normal human being. Ngunit hindi iyon ang nakasanayan ni Lucian kaya hanggang ngayon ay mas kakaunti ang alam nito sa mundo ng mga tao kumpara kay Alexis.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon