Chapter 40

107K 4.5K 482
                                    

Litong-lito na ako, hindi ko alam kung babanggitin ko ba kay Lucian ang tungkol sa mga narinig kong pag-uusap kanina nila Miss Cornelia at ni King Lazarus. Ang totoo niyan, wala akong pakialam sa pinaplano nilang kasal nila Narkissa at Lucian. Mas pinoproblema ko ang pinaplano nilang patayin si Lucian... kaming dalawa.

Ugh!

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tinignan ang kisame na pag hinipan ko mukhang guguho na sa'kin. My head is full of questions. Pero wala akong makuhang sagot. Not even a single. Puro bakit, bakit, bakit?

"Hayy! Kung hindi ba naman kasi ako siraulo noon, bakit ko ba kasi inalis­­-alis ang memories ko at ng lahat ng nilalang sa kabilang mundo. Edi ako rin ang nagmumukhang tanga ngayon kakaisip kung ano ang mga nangyari noon." Ginawan ko lang ng problema ang sarili ko sa ginawa ko. "Ang bobo mo talaga Alexis" Nakakainis!

Padabog akong tumayo at naghanap ng makakakain.

"Ano kaya ang nangyayari kay Alexis? Kanina pa sya ganyan simula ng dumating sya"

"Hindi ko rin Alam Luella, baka naman nasisiraan na ng bait si Alexis?"

Binalingan ko ng masamang tingin 'yung tatlong alimango. "Oo nga!" Nagtaas pa ng kamay si Calista at masayang-masaya na umagree sa sinabi ni Neesha. Wala man lang pakialam kung masama ang tingin ko sa kanila. "Nasabi ko na ba sainyong kinakain dito sa mundo ng mga tao ang mga fairies?" Yuck! Iniimagine ko pa lang ang sinabi ko nasusuka na ako. Ni sa panigip, di ko maiisipang kainin 'yang tatlong butiki. Yuck!

Nakatingin sila sa'kin, I smirked saka ulit nagsalita. "Pagbebenta ko kayo. Tatlo, dos. I'm sure maraming bibili sa inyo at gagawin kayong keychain" Nakatitig pa rin sila sa'kin tatlo kaya tumayo ako para kuhanin sa drawer ko 'yung winx club keychain ko. I grinned as I showed them the keychain. "Tignan nyo 'to" Gulat na gulat silang tatlo, lalo na si Neesha at Calista na halatang takot na takot.

"Sige huwag kayong magtino, ganito mangyayari sa inyo" Ngumisi ako pagkatalikod ko sa kanila dahil wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

**

Pinagmamasdan ko 'yung tatlong tutubi na kakapasok lang mula sa bintana nitong apartment. Matamlay silang tatlo at mukhang dismayadong-dismayado "May sakit ba kayo?" Tanong ko.

"Nagugutom na kami"

"Huhuhu. Walang mga bulaklak dito sa mundo ng mga tao"

"Kanina pa kami paikot-ikot sa labas, ngunit wala"

"Sinong may sabing wala? Doon sa may simbahan may nagbebenta doon ng sampaguita" Sabi ko sabay subo ng biscuit na kinakain ko habang nagsusulat ng formula ng potion. "O kaya dyan sa tindahan ni Aling Iska may tindang chicharon bulaklak, masarap 'yun, gawang Bulacan"

I continued writing pero napapatingin pa rin ako sa kanila dahil hindi ako sanay na matamlay sila. "Flos" I whispered. Kitang-kita ko kung paano nagningning ang mata nilang tatlo nung may lumitaw na mga bulaklak sa harapan nila.

Pabalik na ako sa pagsusulat nung mapako ang tingin ko sa bag na dala ko kanina nung pumunta ako sa mansion ng mga Arentsvelt. And a thought just popped in my head. May kinuha nga pala akong libro doon kanina which seem to be my old diary.

Tinignan ko ang wall clock and it's half past five. Konting oras na lamang darating na si Lucian. Tsk. Bakit ba kasi ngayon ko lang naalala ang tungkol sa libro.

Unang araw:

Naghanda ang buong palasyo para sa araw na 'to. Lahat ay dumaan sa pagsasanay, maging ako. Lahat ay handang-handa, maliban sa akin. Puno ng kaba ang dibdib ko. Natatakot akong dito magwakas ang pag-iibigan namin ng mahal kong si Lucian. Nababahala ako na baka hindi kami magtagumpay. Ngunit... ngunit hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Maaayos din ang lahat ng ito, sa tamang panahon.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon