-*
CHAPTER 1 : TRAGEDY.
MINSAN, naisip ko. Bakit kaya ang aga ko nainlove? Bakit kaya ang aga kong nakaramdam ng kakaibang feeling.
Narealize ko. Ang pag-ibig, walang pinipiling edad. Hindi mo naman kasi masasabi kung kelan mo makikita ang taong para sayo. Maaaring bukas. Mamaya. Sa susunod na araw. O baka nakilala mo na siya. Hindi mo lang alam.
Pero hindi ba kapag maaga kang nagmahal. Maaga ka ring masasaktan? Kapag na-meet mo ba yung para sa iyo, hindi ka na ba niya iiwan?
Hanggang may love, may pain. Hanggang may pain, may revenge. May chaos. May sufferings. Hindi ko naman siguro kasalanan na nagmahal ako. Ang kasalanan ko lang ANG MAG-ASSUME na MAHAL NIYA AKO.
Sana hindi ko nalang siya nakilala. Kasi kahit destiny na ang naglapit sa amin. Lumalayo pa rin siya. Kasi iba ang mahal niya.
Sana, maging IBA nalang ako. Baka sakaling mahalin niya ako. Hindi na sana umabot sa ganitong punto.
---------
"Ms. Allyna Victor?" Papasok pa lang sana ako ng gate. Nang tinawag ako ng isang postman.
"Ako nga." I give him a smile.
"Sulat po." Inabot niya sa akin ang puting sobre. Tinignan ko lang ito. Iniisip ko kasi kung sino ang maaaring magbigay nito.
"Ah- Ma'am, hindi niyo po ba kukunin?"
"Uhm. I'm sorry." Natulala ako sa sobre. Nagkaroon ng pagpause ang mundo. Sa panahon naman kasi ngayon, sino pa ang mageefort na sumulat at magpadala? Marami ng social accounts at puros gadgets na.
Matapos kong abutin ang sobre. Pumasok na ako ng gate. Tumungo ako ng elevator. Sa 8th floor pa kasi ang unit ko. Masyadong mataas kung maghahagdan ako.
I'm living alone.
Napili kong manirahan dito sa City Palace. Bukod sa malapit na sa work ko, maaliwalas at safe pa.
Dumiretso ako sa unit ko at naexcite na buksan ang letter. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Nageffort kasing magsulat ang taong ito. Maganda ang handwritting at neat ang papel. Sa unay aakalain mong babae ang nagsulat.
Ynna,
Hi! Its been a long time. How are you? Are you still living with tita?
Siguro nagulat ka. Bakit naman ako susulat kung pwede naman akong tumawag o magtext. O kaya naman, gumamit ng mga social sites.
Alam ko kasing hindi mo babasahin. Alam kong galit ka pa rin sa akin. I'm sorry. Sana tanggapin mo ang sorry ko. I know its hard. Pero naging practical lang ako. Hindi bat sinabi mong unahin ko muna ang pamilya ko? Salamat sa payong yun. Namatay sila ng maligaya. Nagawa ko ang mga bagay na nais nila bago sila mamatay. Salamat sayo kasi nakita ko ang tunay na ako.
By the way, nandito na ako sa Pinas. I'm managing a business here. Yung business na gusto mong itayo natin? Tinupad ko na.
Sa totoo lang miss na miss na kita. Gusto sana kitang makita bago ako magpropose sa girlfriend ko. Ayoko lang kasi ng issue. Gusto kong makita ka. Gusto ko namang makapagpasalamat sayo. Sa love, care, patience at sa mga bagay na nagawa mo. I'm sorry. I'm sorry kasi hindi ko natupad ang pangako ko sayo. Pasensya na. Nagmahal ako. I'm sorry.
Sana, ma-meet kita one of these weeks. Sana matawagan mo ako. Sana, magkita tayo. Sana.
Alam mo, pinupuntahan ko pa rin ang bench na inukitan natin ng heart. Araw - araw akong dumadalaw. Araw - araw akong nananalangin na patawarin mo na ako at sana tanggapin mo ang bagong ako.
Pasensya na rin kung pangit ang sulat ko. Mas gugustuhin ko pang mapagod ang kamay ko sa kakasulat. Atleast binasa mo.
Salamat Ynna.
Walang nakalagay sa sulat kung sino ang nagsulat. Pero alam ng puso ko na si Krin iyon. Si Krin ang first love ko. Ang unang lalaking iniyakan ko nuon. Unang lalaking pinagtaniman ko ng sama ng loob dahil sa pag-iwan niya sa akin. Hindi ko alam ang dahilan nuon. Wala akong alam kung saan siya napadpad. Wala manlang pasabi. Umalis siya at iniwan ako.
Ang sakit sakit ng ginawa niya. Aalis. Tapos babalik nalang ulit. Makikipagkita sa akin. Magpapaalam dahil magpro-propose na siya. Kahit na hindi na kami. Masakit pa rin yun. Parang sinagasaan ang sugat kong pagaling na.
Binalikan ko ang kanyang sulat. Binasa kong muli ang parteng pagbalik - balik niya sa bench. Tumingin ako sa oras. Lagpas alas dos na. Siguro naman nandoon siya. Sana naman makita ko siya.
Nagmadali akong umalis at didiretso na ako sa park na dati naming paboritong puntahan. Ang galit, sakit pati ang pagkaulila ay nakalimutan ko. Ang nadadama ko ngayon ay ang excite. Ang saya, na sana makita ko siya.
Gamit ang sasakyan ng kumpanya ko. Binabagtas ko ang daan papunta sa dating lugar.
"Tsk! Bakit ngayon pa! Kung kelan nagmamadali ngayon ka pa nawalan ng gas. Nakakainis ka talaga!" Malapit na ako eh. Konti nalang!
Wala akong choice. Kailangan kong magtulak ng pesteng sasakyan na to papuntang gasoline station. Konti nalang naman. Kaya ko to!
"Oh great!" Narating ko ang pinakamalapit na station. Pero ang daming nagpapagas. Bakit ganun ang tadhana? Kung kelan ka nagmamadali, dun pa nananadya!
Sa harapan ko, may isang mamang naninigarilyo sa loob ng kanyang taxi.
"Ang tanga! Tama ba namang manigarilyo sa gas station." Ang sabi ng gasoline boy sa tabi ko. Mabuti namay sinaway siya
ng guard. Kaya nilaglag niya ang kanyang sigarilyo sa floor.
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang lalaki. Nagmamadali na ako. Kaya matapos na akong magpagasolina at pinaandar ko na pagkatapos.
Hindi pa mandin ako nakakaalis sa station may sumabog na. Isang taxi. Marahil ang taxi ng mamang naninigarilyo. Isa isang sumabog ang malapit na sasakyan. Buti ngay hindi sumabog ang sasakyan ko kaya pinaandar ko na. Natatakot akong madamay sa insidente. Nang ii-ikot ko na ang manibela biglang nagliyab ang likod ng aking sasakyan. Lumaki ang apoy at sumabog. Hindi na ako nakaalis sa bilis ng pangyayari. Bumaliktad ang sasakyan ko at nagliparan ang mga piyesa. Ang huling naaalala koy dumating ang mga ambulansya.
Naghihingalo na ako. Hirap na akong huminga. Para bang naipit ang buo kong katawan. Nanlalagkit ako. Puros dugo. Mga sugat na kaninay nakirot ngayon ay namamanhid.
Bakit hindi hinayaan ng tadhanang magkita kami? Hindi ko ba siya dapat kausapin? O patawarin? Mas tama nga ba ang trahedyang ito? Ito nga ba ang magliligtas sa akin sa sakit ng ginawa niya sa akin dati?
Bakit naman ganito pa kasakit? Bakit pati ang tadhanay pumipigil sa akin?
-*
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
ФэнтезиA novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...